Chapter 27: Anna

10.7K 383 40
                                    

Wonderful Day
Ten reasons why I should not fall inlove with Luke De Salvo
1. He's not my type.
2. Babaero siya.
2.1 Sa dami ng babae niya, malamang marami ang aaway sa'kin kung sakali. Including Blaire at ang mga alipores niya.
3. Mayaman siya.
4. Mayaman talaga siya.
5. Anak siya ng boss ko. Pangit tignan. Conflict of interest yun.
6. May "gusto" raw sa'kin yung bestfriend niya.
6.1 Assuming na totoo ang number 6, awkward naman if ever di ba? Baka mag away pa sila ng dahil lang sa'kin.
7. Gwapo kaya sigurado MANLOLOKO!
8. Hindi ako ang type niya.
9. Obviously, may feelings pa siya sa ex niya.
10. Ang pagbo boyfriend ay wala pa sa to do list ko sa ngayon.

"Anna ano ba yung ginawa mo!" for the nth time na sigaw ko habang nakatingala sa kisame nitong kwarto ko. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ko na bang kinamot ang ulo ko at hinawakan ang mga labi ko dahil pakiramdam ko magkadikit pa rin ang mga labi namin ni Luke.

And yes, the sucky thing is ako ang naunang humalik sa kanya! Hindi ko alam kung anong pumasok sa baliw kong kokote para gawin yun! Gusto kong isipin na na over appreciate ko lang yung pagbibigay niya nang maraming lobo sa'kin and nothing more pero ang kabilang bahagi ng utak ko kumokontra talaga — saying that it's something more.

Kaya nga gumawa ako ng listahan kung bakit hindi ako pwedeng ma inlove sa isang Luke Zachary De Salvo. Basta, kahit ano ang mangyari hindi talaga pwede.

Kanina pareho kaming hindi nakapagsalita. Para bang nasa isang panaginip kami na bigla na lamg nagising cause when our lips parted, parehong gulat ang expression namin. Medyo naging awkward na rin ang atmosphere dahil hindi na kami gaano nagpansinan dahil doon hanggang sa ihatid niya ako pauwi rito. Ni hindi na nga ako nakapagpasalamat. Nung ihinto niya ang sasakyan bumaba na lang ako without turning back.

So now I found myself unable to sleep. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin. Hindi ko talaga matanggap na ako ang unang humalik sa kanya! Paano na kasi yan? Sigurado iba na ang iniisip niya sa'kin. Maybe he's now thinking na wala akong pagkakaiba doon sa mga babaeng ikinakama niya.

My string of thoughts broke when I heard a soft knock on my door "Anna, gising ka pa ba?" tanong ni mommy mula sa labas.

Hindi ko alam kung magtutulog tulogan ako or kakausapin siya yet I have decided for the latter one.

"Yes, mom. Pasok ka" I said. Hindi naman nagtagal when she opened the door at pumasok siya na may dalang tasa na sa tingin ko mainit na gatas ang laman cause even from here I can see the smoke rising from it.

"Sabi ko na nga ba hindi ka pa natutulog. Nakita ko kasi sa ilalim ng pinto na bukas pa ang ilaw mo" she started at inginuso yung lampshade na nasa side table ko. I didn't answered dahil hindi ko naman alam kung ano ang isasagot. I am actually still not comfortable kahit na two weeks na siyang nandito na kasama namin and never na naglakwatsa. Even looking at her sober is weird.

Inabot niya sa'kin yung tasa na hot chocolate pala ang laman. I sipped a little to it pagtapos ay tumingin sa kanya.

"Gusto ko lang sana tanungin kung hindi masama. Sino si Luke? Madalas ko kasing marinig ang pangalan niya na pinag uusapan ng mga kapatid mo" marahan niyang sabi na para ngang nahihiya pa siya na tanungin yun.

I smiled a little at that "Classmate ko po siya at anak ng boss ko. Siya po yung sinasabi ko nun na binababy sit ko" I answered and just like what I expected, her eyes narrowed dahil sa pagtataka

"Actually mom hindi naman baby sitting ang tawag. I can't just call the right name for it pero ang trabaho ko ay bantayan siya"

"Like taming him?" she asked with the corners of her lips twitching into a grin

Tame The Bad BoyWhere stories live. Discover now