Chapter 56: Luke

7.5K 260 70
                                    


Graduation

The week passed in a blur and today is our graduation. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa sarili ko sa salamin while I'm wearing my bow tie. Who would've thought na finally makaka graduate na ako? Parang kailan lang puro katarantaduhan lang ang mga pinag gagagawa ko. I've never imagined that I will make it this year. Kaya hindi ko rin masisisi si mommy nung umiyak siya when she saw the graduation invitation kung saan ang pangalan ko nasa listahan ng mga candidates for graduation.

"Twain, mom is getting impatient. Bilisan mo na raw!" Lily called out from the door. Si mommy talaga. Ang aga aga pa eh. She's just excited because maybe she's thinking na nananaginip lang siya na gagraduate ako. Because yeah, who would've really thought? Kahit nga ako sa sarili ko hindi mapaniwalaan yun.

"Coming!" I shot back and for one last time, look at myself on the mirror. Sana nandito si daddy. Though I know he's proud of me kung nasaan man siya ngayon.

***

My brother insisted na siya ang magd drive kaya pinagbigyan ko na lang siya. I am on the passenger seat while mom and twain are at the back. Sayang nga na hindi makakasama sila granny dahil nilalagnat si grandma. Though hindi naman ako nalulungkot especially when I see how happy they were when I told them na gagraduate na ako this year.

"Mamamanhikan na ba tayo mamaya, mommy?" pang aasar ni kuya kay mommy na tinawanan namin magkakapatid. Mom's nose flared at that.

"Magtigil ka dyan, Clyde Austin. Patapusin mo muna ng pag aaral yan kapatid mo" mom warned him. Mamaya kasi after ng graduation ceremony napagusapan namin ni Anna na lalabas kami with our families together. It's a brilliant idea para magkakilala na rin ang mommy niya at mommy ko because they didn't get the chance nung ma ospital nun si Anna dahil nung dumating ang mommy niya sakto naman na umalis si mommy.

"Sabi sa'kin ni Sir Soriano na kung sinipagan mo raw nung umpisa pa lang malamang nakapasok ka sa honor roll. Ang taas daw ng mga grades mo nung third and last quarter na kung ganun nga rin daw ang pinakita mo nung first and second baka naging salutatorian ka pa" mom said changing the topic

I looked at her then shrugged "I'm fine, mom. Ang importante naman gagraduate ako di ba? Malaking achievement sa'kin to, you know that"

"Oh yes, I agree. And thank Anna for that. Kung hindi siya siguro dumating sa buhay mo panigurado tarantado ka pa rin. Worst, may anak na"

We laughed at that "Mom, do you really think na mambubuntis ako at this age? I was just playing back then. Yung mga babaeng naabutan mo sa bahay nun ni hindi ko nga nakarelasyon. They're just demanding dahil alam nila na De Salvo ako" I said as a matter of fact

"Kahit na nga, anak. With or without relasyon may nangyari naman sa inyo so it doesn't change a thing"

"Well mom, kanino pa ba magmamana si Luke? Kung nandito lang si daddy I'm sure he will be proud of Luke" nang aasar na naman ulit si Kuya kaya nagtawanan na naman kaming magkakapatid. Mom rolled her eyes at that

"Hindi naman ganyan na babaero ang daddy mo, Clyde!" she snapped

"Sus, kaya pala sabi sa'kin ni Uncle Clint dati, matinik daw sa chicks si daddy. But of course that was before he met you. Kaya hayaan mo na si Luke, mom. Simula naman nung maging sila ni Anna wala nang nagwawala sa harapan ng bahay natin."

"Dapat lang talaga kuya dahil papatayin niya ako oras na mambabae ako" maisip ko pa lang kung anong gagawin sa'kin ni Anna oras na magloko ako sa relasyon namin nanlalambot na ako. She will kill me for sure and there's no doubt about it.

"Naalala ko na naman tuloy nung first meeting niyo ni Anna, twain. You hated each other back then, remember? Halos sipain mo siya palabas ng teritoryo natin sa galit mo sa kanya" Lily said. Napapikit tuloy ako to imagine that day. Yung pagbato niya sa ulo ko, pagsuntok sa'kin, yung sampal na nagpainit sa pisngi ko. Kung dati inis na inis ako ngayon natatawa na lang ako.

Tame The Bad BoyWhere stories live. Discover now