Chapter 46: Luke

7K 305 33
                                    


Rogue

"We could've killed him last time when we had the chance. What stopped you, Luke?" tanong sa'kin ni Chaser as he lit another cigarette at sunod sunod na pagbuga ang ginawa.

Napapikit ako nang maalala ko ang mga nangyari kanina. He's right. I had the chance to kill Dean last time but I can't bring myself to do it. I was already holding the gun at nakatutok na yun sa ulo niya. But I didn't pull the trigger.

"Iba na ang sitwasyon ngayon, Chase. Nagbago na si Luke. Hindi na siya katulad nung dati na walang kinakatakutan" sabi ni Paul na nang aasar pa. He also lit another cigarette.

I took a deep pull on the cigarette I'm holding and blew the smoke out in a long exhale and took a quick shot of the brandy na nasa kabilang kamay ko. Kahapon, sinabi sa akin ni Paul na gusto raw makipagkita sa akin ni Dean. Sa ibang pagkakataon, if the situation is different maybe hindi ako magdadalawang isip na patayin siya. Pero iba na kasi ngayon. May kabog na ako sa dibdib dahil kay Anna. Kapag gumawa ako ng kalokohan, kung pinatay ko si Dean kanina, alam kong hindi ako titigilan ng mga barkada niya. Kung ako lang naman walang problema. But I'm afraid na madamay si Anna. Si Anna na walang kamalay malay sa naging buhay ko dati at mga nagawa ko.

"Kamukhang kamukha na ni Dean ang kambal niya noh? Dati naman masasabi mo pa which is which pero ngayon hindi na" sabi ni Paul which is true. Kanina nung kaharap ko siya akala ko siya ang kambal niya.

"True. Kung hindi ko lang alam na may tattoo sa leeg yung kambal niya, I can never tell also" Chaser answered

"So what's your plan now, Luke? Di ba sinabi ko naman na sa'yo before na bumalik na nga siya?"

"Alam ko Paul. Wag mo ako gawin tanga" I said almost snapping at kumuha ulit ng panibagong bote ng brandy dahil naubos na namin yung una.

"So anong gagawin mo nga? Do you have any plans of telling Anna about this?" it's Chaser

Natahimik ako sa tanong niyang yun dahil hindi ko alam kung ano nga ba ang gagawin "I don't know" I said hopelessly

"Come on, Luke. Play time is over. Magpaka honest ka sa kanya" medyo pasigaw na sabi ni Chaser sa'kin because maybe he really can't believe na wala pa akong plano na sabihin kay Anna.

But then.. "What if iwan niya ako dahil doon? What if I'll scare her away?" alam ko na ganyan ang mangyayari oras na malaman niya ang tungkol doon. I know she'll be scared at iiwan ako.

Paul sighed exasperatedly "Yan pa ang naisip mo, Luke? Hindi mo ba naisip yung risk kay Anna? Luke, alam ng mga kalaban natin na kahit gaano ka nila saktan balewala lang sa'yo. They know that you can bear the pain. Pero paano kung ibang tao ang gamitin nila para saktan ka? Dean knew about her, Luke. They all knew!" he argued

"And either way darating ka rin naman sa punto na aaminin mo na sa kanya ang lahat, Luke. So why not start with it already?" Chaser agreed kaya mas lalo akong naiipit. As much as I hate to admit it alam kong totoo ang sinasabi niya. At one point I really have to be honest with her about this.

"Tama. At sabi mo kanina di ba nakakatunog naman na siya? Ginamit mo lang talaga na cover up yung sa mga kapatid niya. Gawin mo na ang nararapat, pre. Wag mo na hintayin dumating yung time na magigising ka na lang na hawak na nila si Anna. Remember na malaki ang kasalanan mo kay Dean. At gagawin niya ang lahat para masaktan ka"

***

Hindi ako nakatulog kakaisip tungkol sa napag usapan namin ng mga kaibigan ko kanina. I'm afraid that they're right. Kailangan ko na aminin kay Anna ang lahat — or maybe gradually.

"Bakit parang malalim ang iniisip mo?" Anna said breaking my train of thoughts. Pansamantala nakalimutan ko na nandito nga pala kami sa cafeteria at kumakain dahil break time na namin.

Tame The Bad BoyWhere stories live. Discover now