Chapter 8: Luke

16.9K 500 34
                                    

Brie
Kaysa makakuha ng atensyon, sinunod ko na lang ang utos ni mommy. Maraming nakakita nung pagsampal niya sakin though nobody dared na magsalita tungkol doon. They just looked at us habang naglalakad na papunta sa office ni Uncle Clint na nasa second floor.

At ngayon pa lang iniisip ko na kung anong gagawin ba ni mommy na kailangan pa namin pumunta dun. Ayokong isipin na ipapa kick out niya na ako ngayon din.

She didn't even bother knocking. Basta niya na lang itinulak yung pintuan. Sakto naman na nandun nga si uncle and seems busy in his paper works dahil nakasuot pa siya ng reading glasses. He looked up when we entered.

"Hindi ko na alam ang sasabihin sa pamangkin mong to, Clint!" sigaw ni mommy at masama akong tinignan. Nahihiya lang ako na yumuko dahil kahit na nga ba close kami ni uncle, hindi pa rin ako komportable na pinagagalitan ni mommy sa harapan niya.

"Ano na naman ang ginawa, Pep? Hindi ka pa ba nasanay?" natatawang tanong ni uncle pero masama siyang tinignan ni mommy kaya sumeryoso siya. They're that really close.

"Luke, my dear nephew ano na naman ba ang ginawa mo at bakit mukha na naman tigre tong mommy mo?" baling sakin ni uncle

"Uhm.. It's just.. Uncle you know the hormones of teenagers these days. I was just-"

"What?! Playing along?! Tigil tigilan mo ako sa lame mong reason na yan, Luke Zachary! You don't know the risk of what you are doing! Isa pa, nasa loob ka ng escuela hindi ka ba nahihiya? Me and your uncle is a stock holder here so sa tingin ko hindi pa rin yun excuse na maging tarantado ka!"

Natahimik na lang ako sa sinabing yun ni mommy at the same time nilapitan ko rin siya para hagurin yung likuran niya. Totoo naman na nagtatampo pa rin ako sa sinabi niya sakin kagabi yet ayoko naman ng ganitong nagagalit siya sakin ng husto. Sometimes nakakalimutan ko na matanda na nga pala siya at prone na rin sa sakit. Paano kung bigla na lang siyang atakehin sa sama ng loob sakin?

"Hindi na po ako magdadahilan. I'm sorry mom. Siya naman kasi yung lumapit sakin eh" sabi ko na lang dahil yun naman ang totoo

Huminahon naman na siya "Kahit na nga ba siya ang lumapit sa'yo hindi mo pa rin dapat ginawa yun. Luke, anak.. Paano kung isang araw yan ang makapagpahamak sayo? I love you and I don't want that to happen"

Umiwas ako ng tingin dahil hindi ako komportable sa pag I love you niya. It's not that I don't want her saying it pero siguro nahihiya pa rin ako dahil sa ginawa ko.

"If your dad's here, I'm sure he'll also say this. Luke wag mong maging ugali na paglaruan ang mga babae kahit na nga ba game na game sila. Kahit na nga ba kontento lang sila sa no strings attach type. Hindi mo kilala ang mga ganun. Paano kung isang araw dumating yung oras na mag demand na sila ng pagmamahal sayo pero hindi mo naman kayang ibigay? You don't know what might happen. Baka mabaliw pa yung babae at may magawa sa'yo" mahabang sabi ni uncle at tumingin pa kay mommy as if they have a silent communication

"Tama ang uncle mo, Luke. So better stop womanizing. Hindi ganyan ang daddy mo" saway ulit ni mommy pero wala akong reaksyon. Ayoko naman mangako na hihintuan ko dahil hindi naman ako sigurado na magagawa ko nga. I am not the kind of person na nangagako ng mga bagay na hindi ako sigurado.

"Well.. Well.. Well.. Look who's in trouble again" napalingon kami ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Paul at Chaser na kapwa natutuwa pa sa lagay ko ngayon.

"Ano na naman ang ginawa mo, Luke? Palibhasa kasi palagi kang may way out kaya abusado ka" pang aasar ni Chaser kaya pinanlakihan ko siya ng mga mata

"Paul. Chaser. Bantayan niyo tong kaibigan niyo ha? Kapag may lumalapit sa kanya na babae itaboy niyo kaagad" sabi sa kanila ni mommy

"Will try my best tita. Though I am assuring you na safe naman yung ginagawa nyan ni Luke" sagot ni Paul na tinawanan ni Chaser at uncle. Napabuntong hininga lang si mommy dahil alam niyang it's hopeless to talk to my friends cause they're my minions.

Tame The Bad BoyWhere stories live. Discover now