Chapter 49.1: Anna

8.3K 302 70
                                    


Dance

Since nung bumalik kami from christmas vacation, naging busy na kaming lahat sa school. Syempre graduating. Kaliwa't kanan ang requirements at ang mga seminars namin about choosing career. Madalas din na may mga bumibista sa amin from other schools para i convince kami na sa kanila mag aral. Actually kahapon nga may dumalaw dito na Clarence Lusterio and everyone but me went crazy. Ang gwapo naman kasi sa totoo lang. Sabay anak pa raw yun ng dating singer at ngayo'y business tycoon na si Derick Lusterio. Kung sa St. Ignatius University nga mag aaral ang karamihan sa amin hindi na yun nakakapagtaka since mukhang na convince talaga sila ni Clarence.

Sa totoo lang dapat hindi naman kami sasama ni Katie at Karl sa mga career orientations na yan since may pending application kami sa Amerika pero ayaw rin naman namin umasa na lang doon. So we spent some time of this week na puro pag fill out sa mga applications at orientations lang ang ginagawa. Psychology ang nilagay ko sa first choice ko while nursing on the second choice. Si Luke naman dalawang school pa lang ang napipili. Erudite Uni and SIU. Business Management ang first choice niya and civil engineering ang second choice. Gusto ko nga sana siya tanungin kung bakit hindi niya gawin first choice ang engineering pero naalala ko yung about sa business nila. Siya kasi ang inaasahan ng grandparents niya na magmanage nun someday.

"Kapag kami nag break ni Karl I'll go running after that Clarence Lusterio. So fucking hot! Kamukhang kamukha niya yung tatay niya though mas gwapo lang yung daddy niya nang kaunti nung ka edaran niya" Katie said dreamily. Napailing na lang ako. Maging siya naapektuhan nung Clarence Lusterio Syndrome. Not that I blame her though.

"Yun eh kung magb break pa tayo" from somewhere sumulpot na lang si Karl who obviously heard what her girlfriend said. Kung dati napapa cringe talaga ako kapag naghahalikan sila sa harapan ko ngayon napapangiti na lang ako. Cause well.. Mas malala na nga dyan yung nagawa namin ni Luke nun.

Speaking of him, nasa canteen siya at bumibili ng food ko. Hindi kasi ako makalabas dahil nagrereview ako para sa quiz mamaya sa Physics. Hindi kasi ako nakapagreview last night dahil sa sakit ng ulo ko. Gigising sana ako ng madaling araw pero hindi ko naman narinig na tumunog ang alarm clock ko sa ang ending hindi talaga ako nakapagreview.

Bumukas yung pinto and I smiled when I saw na siya ang pumasok. May hawak siyang paperbag that he happily handed me nung malapitan niya na ako.

"Breakfast meal yan, baby with hot chocolate. You need to eat" sabi niya pagkaupo sa tabi ko. Itinabi ko na muna yung reviewer ko para kumain na. Fried Rice, Hotdogs, Bacons, and Hot Chocolate.

"Baby, hindi mo pa natutupad ang promise mo sa'kin" sabi niya sabay simangot. Natawa naman ako

"Sabi ko nun di ba kapag wala na tayong ginagawa masyado? Eh ang busy natin eh. Tignan mo nga next week magsh shooting na tayo para sa project natin sa Filipino" sabi ko sa kanya. He's refering to the date na niyaya ko siya nung first monthsary namin.

"Wala naman kwenta ginagawa natin eh. Fuck that career orientation. Sinasabi nila that we should think carefully of what course we're going to take in college but they're rushing us with those application forms!"

Natawa na lang ako sa rant niya na yun. Kungsabagay may point naman siya.

"If ever na hindi ka matanggap sa Amerika, baby pwede pareho tayo ng school?" he asked afterwards

"Depende baby kung saan. Alam mo naman di ba na kakastart lang namin ni mommy sa tea shop so kailangan medyo magtipid tipid kami" sabi ko. Last week kasi we bought a franchise of Cat Tea using my savings sa pagtatrabaho ko as a bodyguard ni Luke. Napag usapan namin ni mommy na yun ang i business since siguradong hindi malulugi. Though medyo may utang pa kami doon sa may ari, dahil kulang ang binayad namin, hindi naman ako mag aalala na hindi yun mabayaran. Naalala ko nga nung opening, naubos yung stocks namin sa dami nang bumili.

Tame The Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon