024

2.9K 136 98
                                    

' Masarap ba labi ni Joshua hyung ? '

--

Milk's POV

Nakahiga ako sa kama ko dito sa apartment. Hawak ko sa kanang kamay yung kwintas galing kay Vernon at sa kaliwa naman yung galing kay Joshua.

Ano na bang nangyayari ?

Buhay pa ba ko ? Totoo pa ba to lahat ?

Bakit feeling ko kailangan kong pumili sa kanilang dalawa kahit hindi naman dapat ?

' Ang gulo ! '- sabi ko tapos nagpagulong-gulong ako sa kama.

Lume-level up na naman ako sa pagiging feelingera !

May gusto na nga ba ko sa tahong na yun ?

Hindi pwede ! Masyadong mabilis !

Atsaka rule #5, bawal ma-inlove sa isa't-isa !

Dapat talaga hindi na ko pumayag sa plano nila Hoshi eh ! Feeling ko unti-unti nang nagkakatotoo yung sinabi nila !

May nararamdaman kaya sakin yung tahong na yun ? Kahit konti lang ?

Pero imposible eh. Si Y nga diba ?

Ay wait, may naisip akong idea !

Kapag nakasuot ng kulay yellow si Wonwoo, may kaunting nararamdaman sakin si tokwa !

Desperada na kung desperada pero kailangan kong malaman to ! Hirap na hirap na ko dito !

Kaya yan yung ginawa kong sign kasi alam kong hindi nagsusuot ng yellow si Wonwoo kasi napaka-emo nun.

Lumabas ako ng apartment ko at saktong nakita kong kakalabas lang din ng Meanie mula sa dorm nila.

Halos magtatalon na ako dito sa tuwa dahil naka-black si Wonwoo as expected.

WALANG GUSTO SAKIN SI JOSHUA WOOOH

Sa wakas at nabawasan na ang problema ko !

May sinabi si Wonwoo kay Mingyu pero di ko narinig. Tumango si Mingyu tapos pumasok naman ng dorm si Wonwoo.

Halos lumuwa ang eyeballs ko nang lumabas ulit sya.

NAG-JACKET SYA NA KULAY YELLOW

Juice colored.

Hindi. Hindi totoo tong sign na to. Nagkataon lang. Oo tama.

Nanlulumo kong pinanood maglakad palayo yung Meanie. Buti pa sila walang problema huhu.

Ganito nalang, kapag naka-topless si Jeonghan pagkapasok ko ng dorm nila, may konting feelings sakin si Joshua.

Hindi naman kasi nagta-topless si Jeonghan eh.

Ang galing mo talaga Milk ! Kaya idol kita eh !

*high five sa sarili*

Pagkapasok ko sa dorm, sobrang pinagsisisihan ko na talagang pumasok pa ko.

Kakalabas lang ni Jeonghan ng CR. Bagong ligo pero naka-pantalon na at yes, naka-topless.

Ayoko na.

So ibig sabihin ba nito may konting feelings sakin si Joshua ?

' Hoy '

Gulat akong napatingin dun sa biglang nagsalita.

' Gago ka ba ? Bat ka biglang nanggugulat ? '- sabi ko sabay hampas ng mahina sa braso netong tahong na to.

Ang dami ko pang pinoproblema tas mang-aasar na naman ba sya ?

MILK / seventeenKde žijí příběhy. Začni objevovat