001

9.6K 256 158
                                    

' Mukhang hindi ata madali ang pagiging PA nila gaya ng inaasahan ko '

--

Milk's POV

' Pakikuha nga '

Bumuntong hininga ako at kinuha yung pinapakuha nya. Juice colored, pang-ilang utos na ba nya to ?

' Nag-rereklamo ka ba ? '

Hinde ! Tuwang-tuwa nga ako eh ! Sige mag-utos ka pa ! Hindi pa naman ako pagod eh !

Umiling nalang ako at umirap. Bwisit na buhay to ! Kung hindi ko lang talaga mahal si Vernon, hindi ako maga-apply na personal assistant nila.

' Wag mo namang pahirapan si Noona '- sabi ni Hoshi.

' Trabaho nya yan. Pinapasweldo sya para utusan natin '- sabi ni Joshua.

Tinaasan ko sya ng kilay. Sya nga lang yung nag-uutos eh ! Sabi nung ibang members nahihiya daw silang utusan ako tsaka kaya naman daw nila.

Tapos sabi ni Vernon, ang lalaki dapat ang nagsisilbi sa babae.

Diba ? Kaya labs na labs ko sya eh !

' Tara dito Noona '- sabi ni DK habang nanonood ng TV sa sala kasama yung ibang members.

' Wag mo na pansinin yan '- sabi ni Wonwoo.

Naupo nalang din ako katabi nila kahit na medyo nahihiya pa ako sa kanila. Kahapon pa lang kasi ako naging PA nila eh.

Pero kahit na bago palang ako sa kanila, ayoko na agad sa ugali nung isang member nila. Yung Joshua. Bwisit kasi eh. Kahapon pa sya utos ng utos sakin. Oo, alam kong utusan naman talaga ang trabaho ko pero kasi yung mga utos nya eh yung tipong itatapon nya muna yung tubig sa sahig on purpose tapos ipapalinis sakin. Yung ganon ! Bwisit talaga eh !

Kaya wag po kayong maniwala na gentleman yung tokwang yun gaya ng lagi nyang sinasabi tuwing nagpapakilala sya on cam. Napakayabang din nya ! As in mararamdaman nyo dyan sa Pilipinas yung kahanginan nya !

Magmula ngayon, tokwa na ang itatawag ko sa kanya. Joshua at tokwa, magkatunog naman diba ? Bagay sa kanya !

Gwapo sana sya eh. Kaso yung ugali lang talaga ang problema. Tss.

Ay wait. Sinabi ko bang gwapo sya ? Yuck.

' Easy ka lang Noona. Mapupunit na yung unan '- sabi ni Seungcheol kaya napatingin ako sa unan na hawak ko.

Hala oo nga. Pano kung napunit to ?

' Pagpasensyahan mo na si Joshua. Mabait naman yun eh. Ewan ko lang kung bakit ganun sya sayo '- sabi ni Jeonghan.

Mabait ?!

Kung mabait si Joshua, ano pang tawag sa ibang members ? Santo ?

' Ganito nalang Noona, tatanungin ka namin ng kung anu-ano para naman maging close tayong lahat. Mukhang matagal-tagal pa tayong magsasama eh '- sabi ni Mingyu.

Nag-agree naman yung ibang members.

' Ako muna. Ano bang pangalan mo ? '- sabi ni Vernon.

OHMYGAWD

TINATANONG NI VERNON ANG PANGALAN KO

' Chwe Soon Byul '- sabi ko.

Napatakip ako bigla sa bibig ko.

SHT. BAKIT YUN ANG NASABI KO ?!

' Chwe ? Magka-apelyido tayo ? '- tanong ni Vernon.

Juice colored nakakahiya !

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now