Postscript

2.7K 147 97
                                    

In a tragedy covered in blood,
She felt weak and frail
To herself she felt bad,
For she can't do anything but wail

Times have passed,
She still can't forget
That bloodstained nightmare,
Left a lot of regrets

The others already departed,
But their memory will never fade
Because by her side they stayed,
And it will always remain the same

People said they're gone,
But for her they're still alive
Their life is not yet done,
That's an issue she can't abide

--

Buong akala ko ay madali lang ang maging personal assistant at maid ng Seventeen.

Ipagluluto mo lang sila.

Maghuhugas ka lang ng mga pinagkainan nila.

Maglalaba ka lang ng mga damit nila.

Ililigpit mo lang ang mga kalat nila.

Sasamahan mo lang sila sa lahat ng mga schedules nila.

Kung iisipin mo, simple lang diba ? Maaring nakakapagod pero kayang-kaya naman lalo na kung fangirl ka nila.

Kaso mali pala ako.

Ang pagiging personal assistant at maid ay hindi lang nagtatapos sa pagsisilbi sa kanila.

Makikita mo rin yung side na hindi nila pinapakita on-cam.

Malalaman mo yung kahinaan nila at yung mga bagay na lubos na nakakapagpasaya sa kanila.

Makakasama mo sila sa lahat ng pagkakataon.

Makikilala mo sila ng husto.

At higit sa lahat, mare-realize mo na tao lang din sila.

May pakiramdam din sila.

Napapagod din sila.

Nasasaktan din sila.

Nagmamahal din sila.

Sa pagiging PA nila, marami akong natutunan at napagtanto.

Sa SquadBalls ko natutunang ngumiti at maging masaya kahit na marami pa akong problemang kailangang harapin.

Sa SquadWard ko na-realize na meron pa akong natitirang dahilan para mabuhay. Kahit na malayo na sila ngayon sa piling ko, alam kong hindi padin nila ako nakakalimutan.

Kay Jun at Minghao ko nalaman na hindi hadlang sa pagkakaibigan ang pagkakaiba hindi lang sa ugali pati na din sa kinalakihang kultura. Madalas ko mang hindi maintindihan ang pinag-uusapan nila, alam kong sa puso ko ay naiintindihan ko sila.

Kay Woozi ko natutunan na hindi pwedeng puro kalokohan lang ang inaatupag ko. Dapat din akong mag-seryoso dahil sakin sila tumitingala lahat kahit na mas matanda sila sakin.

Kay Jeonghan ko naranasan kung ano ba talaga ang pakiramdam ng totoong pagseselos. At nalaman ko din na hindi pala tama yun.

Kay Dino ko naramdaman ang pagmamahal ng isang kapatid. Ewan ko ba pero para sakin, isa syang inosenteng bata na kailangan kong protektahan.

Kay Vernon, na-realize ko na hindi sa lahat ng pagkakataon ay yung unang taong nagustuhan mo ang makakasama at mamahalin mo hanggang sa huli. Pwedeng hindi talaga kayo para sa isa't-isa o pwede rin naman may dadating na mas higit sa kanya.

At syempre, kay Joshua ko natutunan kung paano magmahal ng totoo. Sa kanya ko din naranasan na masaktan at umiyak ng husto. Sa kanya ko din natutunan kung paano magpakatatag at huwag agad bumitaw.

MILK / seventeenحيث تعيش القصص. اكتشف الآن