048

2.2K 135 102
                                    

' Magaling syang mag-gitara '

--

Milk's POV

Kanina pa ako pagulong-gulong sa kama habang iniisip kung paano ako magi-imbestiga.

Unang prospect ko kasi si Wonwoo at hindi ko alam kung paano sya lalapitan.

' Hi Wonwoo, pwede ba tayong lumabas ? '- nakangiting sabi ko sa salamin ko dito sa apartment.

Agad din namang nawala yung ngiti na yun at napasapo nalang ako sa noo ko.

' Argh, masyadong straightforward naman pag ganon '- sabi ko.

Inayos ko ulit yung sarili ko at humarap sa salamin.

' Wonwoo uhm .. gusto ko sanang yayain kang lumabas kung okay lang sayo ? '- sabi ko.

Agad din naman akong napailing at napabuntong hininga.

Ano ba tong ginagawa ko. Parang ako tuloy yung nanliligaw kahit ako yung babae.

Napakamot nalang ako ng ulo at lumapit naman ako sa cabinet ko para maghanap ng susuotin.

Ano bang dapat isuot kapag lalabas na may kasamang lalaki ?

Dress kaya ? Shorts ? Jeans ?

Hanuba tulungan nyo naman ako !

Aish, bahala na nga !

Humugot nalang ako ng kung anong damit sa closet ko at sinuot yun.

Short yung nahugot ko tapos kumuha na din ako ng pang-itaas syempre. Alangan namang naka-bra lang akong makikipag-date kay Wonwoo ?

Sweatshirt yung sinuot ko na may logo ng Seventeen sa unahan. Meron pala ako neto ?

Nagsuklay ako at nag-ayos ng sarili bago lumabas.

Muntikan na akong mapatili dahil sa gulat nang makita ko si Wonwoo sa labas ng apartment ko.

' Bat gulat na gulat ka Noona ? '- tanong nya sakin.

Putspa, kinakabahan ako.

' A-Ah .. k-kasi .. '

Umayos ka Soonbyul. Mag kunwari kang hindi kinakabahan sa presence nya !

' .. kasi wala lang. Ikaw bat ka nandito sa labas ng apartment ko ? '- pa-cool na sabi ko sa kanya.

Ngumisi sya bago sumagot.

' Napadaan kasi ako dito sa apartment mo habang pabalik ako sa dorm at parang narinig kong may nagsasalita at narinig ko pa ang pangalan ko '- sabi nya.

Juice colored Milk. Nakakahiya ka talaga kahit kailan.

' Huh ? Baka nagkamali ka lang ng rinig ? '- sabi ko.

Ngumiti sya ng nakakaloko.

' Hindi eh. Ang pagkakarinig ko nga ay parang yayayain sana akong lumabas ? Pero di ako sure ah '- nang-aasar na sabi nya.

Nag-roll eyes ako.

' Okay, talo na ako sayo. Basta wala nang urungan to. Lalabas tayo sa ayaw at sa gusto mo '- sabi ko tapos hinila ko na sya paalis.

Kinakaladkad ko sya papunta sa kung saan nang mapansin kong hindi sya umiimik kaya napatingin ako sa kanya.

Nakatitig lang sya sakin habang nakataas yung kilay.

' Problema mo ? '- tanong ko sa kanya.

' Alam mo Noona, kung crush mo ako, sabihin mo na ngayon at hindi yung kinakaladkad mo pa ako '- sabi nya.

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now