012

3.8K 159 61
                                    

' Madalas kasing nauuwi sa totoong relasyon yang fake relationship '

--

Milk's POV

Pagkamulat na pagkamulat ko, tumingin agad ako sa orasan.

Shemay ! Late ako nagising ! Ipagluluto ko pa sila ng almusal !

Babangon na sana ako pero napansin kong may unan at kumot ako.

Ha ? Diba kagabi wala naman to ? Kasi nga sinolo ni Joshua diba ?

Speaking of Joshua, wala na sya dito. Aba'y malamang, late na nga kase diba ? Common sense naman Milk !

Nag-ayos muna ako ng sarili bago ako nagpunta sa dorm nila

Naabutan ko silang kumakain ng almusal.

' Good morning Noona ! '- bati sakin ni Dino.

' Good morning din '- sabi ko.

Nagpa-deliver nalang pala sila. Buti naman.

' Jagiya, kumain ka na '

Gulat kaming napalingon kay Joshua.

' Jagiya ?! '- sabay-sabay na tanong namin.

' Oo. Jagiya. May problema ba ? '- inosenteng tanong nya.

Sinong jagiya tinatawag netong tahong na to ? Si Jeonghan ba ?

' Noona ! Tinawag ka ni Jisoo hyung na jagiya ! Hindi mo man lang ba sya sasapakin ? '- tanong sakin ni Minghao.

Ay oo nga pala. Simula na pala ngayon ng pagpapanggap namin.

' Hindi. Bakit ko naman sya sasapakin ? '- sabi ko tapos naupo ako sa tabi ni Joshua.

Nanlaki yung mata nilang lahat tapos nagtinginan sila sa isa't-isa. Syempre kunwari nagulat din sila Hoshi.

' Joke day ba ngayon ? '- tanong ni Seungcheol.

' May sakit ba kayong dalawa ? '- tanong ni Woozi.

Nagtinginan kami ni Joshua tapos sabay kaming natawa. Pwede na kaming artista !

' Hindi joke day ngayon at wala kaming sakit. Kumain nalang tayo '- sabi ko sa kanila.

Nagsimula naman silang kumain pero every once in a while tumitingin sila samin ni Joshua. Di ata sila makapaniwalang magkasundo kami ngayon.

' Nakatingin si Vernon '- bulong nya sakin.

Dahil maganda ako, nakaisip ako ng magandang idea.

Sinubuan ko si Joshua. Buti naman at nakisakay sya sakin kasi sinubuan nya din ako.

Kita ko sa peripheral vision ko na nagulat silang lahat. Sumulyap ako kay Vernon at nakita kong nagulat din sya tapos yumuko.

Ohmygawd nagseselos na ba sya ?

Ay hindi. Wala pa yan. Umpisa palang to. Hindi muna ako aasa.

' Ano ba talagang meron sa inyong dalawa ? '- tanong ni Jeonghan.

' Nung isang araw lang parang suklam na suklam kayo sa pagmu-mukha ng isa't-isa eh. Palagi kayong nag-aaway at nag-aasaran '- sabi ni Jun.

' Tapos ngayon may subuan pang nangyayari. Ano ba talagang meron ? '- tanong ni Mingyu.

Ang kulit nila.

' Kami na kase '- simpleng sagot ni Joshua.

' Ha ?! '- sabay-sabay na sabi nila.

MILK / seventeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon