021

3.4K 151 43
                                    

' Alam mo, di ko akalain na mage-enjoy ako dito sa plano nila Hoshi na pagselosin si Vernon '

--

Milk's POV

Magdamag kong isinumpa yang letter Y na yan kaya mukha kong zombie dito na nagluluto ng almusal nila.

Itanong ko kaya sa SquadWard ? Baka kasi alam nila. Tutal close naman sila kay tinapay eh.

' Good morning Noona ! '

Napalingon ako sa kung sino mang hinayupak yung nag-sabi ng Good Morning kahit wala namang good sa morning ko.

Joke.

Si Mingyu.

' Ang laki mo '- sabi ko sa kanya tapos pinagpatuloy ko na yung pagluluto ko.

' Malaki ang alin ? '- tanong nya.

Pasuin ko kaya to nang mas lalong umitim ?

' Joke lang Noona. Beastmode ka na naman eh '- sabi nya.

' Nasan na yung mga ka-squad mo ? Tawagin mo nga except kay Vernon. May itatanong lang ako '- sabi ko sa kanya.

Ngumiti sya.

' Sa wakas Noona ! Naalala mong may iba ka pa palang ka-squad ! '- sabi nya tapos umalis na para ata tawagin yung iba.

Baliw talaga yung kapre na yun. Minsan ang sungit sakin. Minsan parang bata.

Nakaakbay sya kay Wonwoo pagkabalik nya. Ang landi talaga neto eh. Asan na si Seungcheol ?

' Hep, bago ka mag-huramentado dyan Noona, ipapaalala ko lang na nasa shooting ng Q&A si Seungcheol hyung kasama ni Vernon at Woozi hyung kaya kumalma ka '- sabi sakin ni Mingyu.

Ay oo nga pala ngayon yun.

' Ano yung itatanong mo Noona ? '- tanong sakin ni Wonwoo.

Lumingon-lingon muna ako para nakasiguradong walang ibang nakakarinig.

' May kilala ba kayong babae na starts sa letter Y ang pangalan ? '- tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan silang dalawa at sabay na sumagot.

' Yoon Jeonghan ? '

Sinamaan ko sila ng tingin.

Ako ba pinaglololoko nila ?

' Seryoso kase '- sabi ko.

' Maraming Y sa mundo Noona '- sabi ni Wonwoo.

' Kagaya nalang ng napakagandang author na nagsulat netong storya na to. I love you author-nim ! '- sabi ni Mingyu tapos nag-heart sign sya sabay kindat sa camera.

Hinampas naman sya ni Wonwoo ng sandok sa ulo.

' Yung mga ka-close nyo na babae lang '- sabi ko.

Nagkatinginan ulit silang dalawa. Edi kayo na may forever !

' Si Manager, diba Y yun ? '- tanong ni Mingyu kay Wonwoo.

' Oo nga ! Si Manager Yumi '- sagot ni Wonwoo.

Yung Manager nila ?

Sabagay maganda naman yun pero kasi kung iko-compare sa age ni Vernon, ang laki ng age gap.

17 palang si Vernon. 25 na yun.

Yuck.

Utak: Age doesn't matter

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now