041

2.1K 112 19
                                    

' T-Tayo pa ba ? '

--

Milk's POV

Nakaupo ako sa kama ko habang suot yung mood ring na bigay sakin ni Joshua dati.

Kulay blue yun. Siguro dahil malungkot ako.

Monthsary namin ngayon at umaasa akong babatiin nya ako pero sino ba naman ang niloloko ko ?

Asa pa ko.

Naihagis ko tuloy ng wala sa oras yung singsing.

Ang hirap nyang intindihin.

Lumabas na ako ng apartment ko at nagpunta ng dorm nila. Naabutan ko naman sila na nag-aayos ng mga sarili nila.

May pupuntahan kasi kaming fanmeet ngayon. Hindi ko alam kung saan dahil masyado akong lutang dahil sa inaasta ni Joshua.

' Oy Noona ! Monthsary nyo ngayon ni hyung diba ? '- salubong sakin ni Hoshi sa pinto ng dorm.

' Picture naman kayo bilis ! '- sabi ni Seungkwan tapos hinila nya ako papalapit kay Joshua.

Nakita ko namang hinihila ni Seungcheol si Joshua palapit sakin.

Ano na naman ba tong pakulo nila ?

Tinulak ni Seungcheol si Joshua sakin kaya medyo na-off balance ako pero nakaayos din naman ako agad ng tayo.

' Oy akin na yung camera mo Mingyu '- sabi ni Wonwoo tapos inabot sa kanya ni Mingyu yung camera.

' Hyung akbayan mo naman si Noona '- sabi ni DK.

Sinamaan sya ng tingin ni Joshua.

' Ang arte mo hyung. Akbay lang eh '- sabi ni Hoshi.

Wala nang nagawa si Joshua at inakbayan nalang ako kahit halatang labag sa loob nya.

Ano ba kasing problema nya ?

' Hoy ngumiti naman kayo '- sabi ni Wonwoo.

Ngumiti ako ng pilit. Ganun din naman ang ginawa ni Joshua.

' Pwede na. At least nakangiti kayo '- sabi ni Mingyu.

' Next pose ! '- sabi ni Seungcheol.

' Isa pa ? '- sabay na tanong namin ni Joshua.

Halatang naiinis sya. Ako naman naiilang.

' Oo isa pa. Holding hands naman '- sabi ni Seungkwan.

Hinawakan nya yung kamay ko pero maluwag lang. Hindi gaya dati na kapag magka-holding hands kami, pakiramdam ko hindi na nya ako papakawalan.

Napatingin ako sa kamay namin na magkahawak. Hindi man lang maglapat yung mga palad namin. Parang nandidiri sya.

Ang sakit lang.

Hinigpitan ko yung pagkakahawak ko sa kanya hoping to get his attention pero wala padin. Hindi nya ako tiningnan.

Hindi man lang nya ako magawang tingnan.

' Ngiti na kayo '- rinig kong sabi nila.

Ngumiti nalang ako para matapos na.

Inalis na agad ni Joshua yung pagkakahawak nya sakin pagkatapos nila makuha yung picture.

' Sandali lang Noona. Last na talaga to. Isang kiss lang sa lips '- sabi ni Hoshi.

Narinig ko naman yung ibang members na inaasar si Joshua.

Napayuko ako.

' Bagay talaga sila no ? '

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now