002

5.6K 220 164
                                    

' Noona, ayaw naman kasi talaga namin ng PA eh. Sadyang mapilit lang si chairman '

--

Milk's POV

Maaga akong gumising ngayon. Yung sobrang aga talaga. Naisipan ko kasing ipagluto sila ng almusal. Eh alam nyo namang ang dami nila kaya kailangan talaga ng effort.

Oo. Kasama din sa contract na pinirmahan ko ang maging parang maid din nila. Hindi lang PA. Pero keri lang. Makita ko lang ang gwapong mukha ni Hansol, sapat na yun bilang bayad huehue.

Dahil nga isa akong dyosa, syempre nakatapos agad ako. Pero parang kulang ata yung hinanda ko.

' Seungcheol, Jeonghan, Jun, Hoshi, Wonwoo, Woozi, DK, Mingyu, Minghao, Seungkwan, Vernon, Dino at ako '- mahinang sabi ko habang binibilang yung mga bowls ng ramen na ginawa ko.

' Kumpleto naman ah ? Eh bakit 13 lang yung bilang ko ? Dapat 14 kasi kasama pa ako '- sabi ko sa sarili ko.

Mukha na kong baliw dito na kausap yung mga ramen bowls. Sana naman sumagot sila para hindi na ko nahihirapan dito diba ?

Juice colored, simpleng pagbibilang na nga lang hindi pa ko marunong.

Ulitin ko nga !

' Seungcheol, Jeonghan, Jun, Hoshi, Wonwoo, Woozi, DK, Mingyu, Minghao, Seungkwan, Vernon, Dino at ako. Sino bang kulang juice ko naman ! '- frustrated na sabi ko.

' Ako pa '

' Ay tokwa '- gulat na sabi ko tapos napalingon ako dun sa nagsalita.

TOKWA NGA TALAGA

Napa-isip ako. Ay oo nga. Sya pala yung kulang.

Eh pake ko sa kanya ? Edi magluto sya ng sarili nyang almusal !

De joke lang. Tinuruan ako sa ampunan kung pano maging good girl kaya ita-try kong magpakabait sa tokwang to.

WAG LANG NYANG PAINITIN ANG ULO KO AT BAKA IBUHOS KO SA KANYA TO ISA-ISA

' S-Sorry. Sayo nalang yung para sakin. Di naman ako gutom '- sabi ko sabay kuha ng isang lollipop sa bulsa ko.

' Umagang-umaga, lollipop agad kakainin mo ? '- tanong nya sakin.

' Wala kang pake '- sabi ko sabay subo nung lollipop.

Nanlaki yung mata nya sa sagot ko.

Juice colored ano yung nasabi ko ? Baka mawalan ako ng trabaho ng wala sa oras huhu.

' A-Ah ang sabi ko hayaan mo nalang ako '- palusot ko.

Mahirap na. Wala pa nga kaming moment ni tinapay tapos baka mapapalayas na agad ako dito.

Kung tinatanong nyo kung sinong tinapay yung sinasabi ko, edi si Vernon !

Bakit ?

Kasi Hansol Crackers ! Yay !

Tumawa naman kayo kahit isang 'ha' lang. Support me ples.

Ay may isa pa akong na-realize !

Tinapay sya at gatas ako !

At kami ang Breakfast Couple !

Ohmygawd may forever !

' Soonbyul '- tawag sakin nung tokwa.

' Milk nalang '- sabi ko.

Himala. Di nya ata ako sinusungitan. Siguro mamaya pa. Nagre-recharge muna.

MILK / seventeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon