019

3.6K 179 82
                                    

' Pero Soonbyul, wag kang magbabago ah ? I kinda like your personality '

--

Milk's POV

[Now playing: I Swear - SISTAR]

Lumipas ang tatlong linggo. Ganun padin naman. Puro fanmeet ang inatupag nila.

Kami ni Joshua ? Ganun padin naman. Madalas mag-asaran at mag-away. Pero syempre nagkukunwari padin kami na in a relationship.

Si Vernon ? Feeling ko lang to ah. Medyo nag-seselos na ata sya ng konti. Ewan ko. Ang unpredictable nya.

Ayan ka na naman Milk. Nagpapaka-feelingera ka na naman.

At masasabi ko na ding mas naging close kami ni Vernon. Tsaka na din ng buong Seventeen.

Sa sobrang close ko sa Seventeen, dumating na yung puntong hindi ako naa-awkward sa kanila kahit na maglakad pa sila sa harap ko ng naka-topless. Yep. Sinanay ko na yung sarili ko. Hiyang-hiya naman kasi ako kay Jeonghan eh.

Si Joshua naman nag-level up lalo yung pagiging FC nya. Madalas syang nakikitulog sa apartment ko. Madalas din syang nangyayakap kahit wala si Vernon.

Konting-konti nalang talaga. Itutulak ko na sya sa Han River.

Nandito kaming lahat sa dorm nila. Nakaupo kami sa sahig.

' Oy babs '

Ayan na naman sya.

Yumuko ako sa kanya. Nakahiga kasi sya sa lap ko. Sya nag-insist okay ? Nandito din kasi si Vernon eh. Kanina pa nga sya tingin ng tingin samin.

' Ano na namang problema mong tokwa ka ? '- tanong ko sa kanya.

' Magbihis at magpaganda ka '- sabi nya.

Nag-roll eyes ako.

' Maganda na ko. Bakit ba ? '- tanong ko.

' May date tayo, okay ? Wag ka nang mag-reklamo '- sabi nya.

At kailan pa sya nagkaroon ng perang pang-date ?

' Naks naman si hyung oh. Magde-date daw sila ni Noona '- sabi ni Dino dun sa ibang members.

' Uwian nyo kami ah ? '- sabi ni Mingyu. Mukhang pagkain talaga to kahit kelan.

Pinalayas ko na sya sa lap ko at dumeretso na ko sa apartment ko para magbihis. Duh, kahit ayokong makipag-date sa isang tahong, hindi ako makatanggi since nakatingin samin si Vernon kanina.

Nagsuot lang ako ng hoodie, ripped jeans tsaka hight cut na sapatos. Walang basagan ng trip.

Lumabas ako ng apartment ko at nakita ko syang naghihintay sakin. Bakit ganito suot neto ? Naka semi-formal. Naka-slacks sya tapos naka-polo. Ano bang pupuntahan namin ? Prom ?

' Ano yang suot mo ? '- sabay na tanong namin sa isa't-isa.

Nag-roll eyes sya. Taray neto !

' Wala ka man lang bang dress ? Hindi pwedeng ganyan ang suot mo baliw ka ba ? '- sabi nya tapos hinila nya ako papasok ng apartment ko.

Eh kung sinabi nya kasi sakin kung ano dapat yung isuot ko para di na ako nagsayang ng effort na isuot tong ripped jeans na to. Natagalan kasi akong isuot to kasi palaging maling butas yung napapasukan ng paa ko.

Dumeretso sya sa cabinet ko at naghalungkat ng damit.

' Wag yang mga bra ko gago ka ba ? '- sabi ko sa kanya kasi nakita kong hawak nya yung isang bra ko. Tsk. Ang manyak talaga neto.

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now