031

2.7K 131 37
                                    

' Please Soonbyul. Mahal na mahal kita. Ayokong nakikita kang ganito. Gusto kitang protektahan '

--

Third Person's POV

Ilang araw nang nagseseryoso sa trabaho si Milk. Hindi nya kinakausap kahit sinong member kung hindi naman talaga kailangan.

Nagpupunta lang sya sa dorm para maglinis, magluto at maglaba. Hindi na sya tumatambay dun basta trabaho lang talaga ginagawa nya.

Kapag kinakausap naman sya ng ibang members, sasagot lang sya ng simple tapos babalik na ulit sa trabaho nya.

' Nami-miss ko na si Noona ! '- sabi ni Seungkwan.

' Kaya nga eh. Parang negse-seryoso na sya sa trabaho nya lately '- sabi ni Hoshi.

' Oo nga. Hindi na nya tayo kinakausap '- sabi ni DK.

Nasa sala lahat ng members at nag-uusap tungkol kay Milk.

' Kailan kaya ulit tayo gagala ng squad natin nila Noona ? '- tanong ni Mingyu kay Wonwoo.

' Hindi ko alam. Nami-miss ko na din sya '- sabi ni Wonwoo.

Napatingin si Seungkwan, DK at Hoshi kay Mingyu at Wonwoo.

' Anong squad ang pinagsasabi nyo ? '- mataray na tanong ni Seungkwan.

' May squad din kami. Bakit may angal ka ? '- sabi ni Vernon kay Seungkwan.

' Ohmygawd ! Nagtaksil satin si Noona ! '- OA na sabi ni DK kay Hoshi.

' Wag kang mag-alala Seokmin. Mas mahal ni Noona ang SquadBalls kesa sa squad na yan ! '- OA din na sabi ni Hoshi.

Natatawa nalang yung ibang members habang pinapanood sila.

' For sure ang pangit ng squad name nila '- maarteng sabi ni Seungkwan with matching ihip sa kuko nya.

' SquadWard lang naman '- sagot ni Seungcheol.

' OMG ! So chaka ! '- sabay-sabay na sabi nila Hoshi, Dk at Seungkwan sabay tawa ng malakas.

' Chaka pala ha. Magbotohan tayo. Okay, itaas nyo ang kanang kamay nyo kung mas maganda ang SquadBalls tapos kaliwa naman kung SquadWard '- sabi ni Mingyu sa ibang members.

Natawa ulit ng malakas sila Seungkwan kasi puro kanang kamay ang tinaas nung ibang members.

Sinamaan ng tingin ni Seungcheol yung ibang members kaya bigla silang nagpalit ng kaliwang kamay.

' Pano ba yan ? '- mayabang na sabi ni Wonwoo.

' Madaya ! Porket leader ! '- sabi ni Seungkwan.

Habang nag-iingay lahat ng members, hindi nila napapansin si Joshua na tahimik lang na nakaupo sa isang sulok.

Simula nung nahuli sila ni Manage Yumi sa apartment ni Milk naging seryoso na sya sa trabaho nya at hindi na namamansin.

' May nasabi kaya si Manager kay Soonbyul ? '- tanong ni Joshua sa sarili nya.

Napatigil sila sa pag-iingay nang biglang bumukas yung pinto at pumasok si Minghao na mukhang hinihingal.

' Anyare sayo ? Sumali sa fun run ? '- tanong ni Seungkwan kaya nabato sya ni Jun ng unan.

Hindi pinansin ni Minghao si Seungkwan. Tama yan. Wag mong pansinin yang baliw na yan.

' Napadaan ako sa apartment ni Noona. Parang may naririnig akong umiiyak kaya tumakbo agad ako pabalik dito para sabihin sa inyo '- sabi nya.

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now