058

2.4K 135 261
                                    

' Mahal na mahal kita Joshua. Please, gumising ka na. Kailangan kita .. '

--

Milk's POV

' Breaking news. Nabangga ang van na sinasakyan ng Kpop group na Seventeen di kalayuan sa isang rest house sa Daegu. Nangyari ang aksidente kaninang madaling araw. Sinasabing galing daw sa bakasyon ang grupo at huli na nang kanilang napansin ang isang truck na paparating dahil sa dilim ng kalyeng kanilang dinaanan. Tatlong miyembro ang nakaligtas pati na din ang kanilang personal assistant habang siyam naman ang dead on arrival sa ospital. Kasalukuyang nasa ICU ang isang miyembro na maari pang maisalba .. '

Naalimpungatan ako dahil sa ingay na naririnig ko.

Napadilat ako at nagtaka ako kung bakit puro itim yung nakikita ko sa kaliwa kong mata.

H-Hindi kaya ..

Bulag na yung kaliwa kong mata ?

Tumingin-tingin ako sa paligid at nakita kong may naka-kabit na dextrose sakin.

Nasa ospital ako ? Ano bang nangyari ? A-Anongㅡ

Nanghina ako nang maalala ko yung aksidente. Kung gaano karaming dugo ang nakita ko. Kung gaano ako umiyak. Kung gaano ako natakot.

Naramdaman kong sumikip ang dibdib ko. Napaiyak nalang ako habang naaalala ko ang bawat nasaksihan ko sa aksidente na yon.

' Iligtas mo ang sarili mo Milk. Hindi ko kayang mawala ka. Basta tandaan mo lang palagi na mahal na mahal kita .. '

' Basta mahal na mahal kita ha ? Kahit anong mangyari, ikaw padin ang nag-iisang Babs ko .. '

Napatingin ako sa bukas na TV sa loob ng kwarto at naiyak nalang ako habang pinapakinggan ko ang mga sinasabi doon.

Tatlo ang nakaligtas ..

Siyam ang patay ..

Isa ang nasa ICU ..

Hindi. Hindi to pwede.

Tatakbo na sana ako palabas ng kwarto kaso natigilan ako nang mahila ko ang dextrose na naka-kabit sakin.

Tuloy-tuloy ang pagtulo ng dugo at kahit masakit ay tuluyan ko nang inalis yung dextrose dahil gusto kong makita ang Seventeen.

' Noona ! Bakit bumangon ka na agad ? '- salubong sakin ni Vernon pagkabukas ko ng pinto.

' S-Si Joshua ? '- nanghihinang tanong ko.

' Nasa ICU sya .. '- sagot ni Vernon.

Somehow, nakaramdam ako na may pag-asa pa. Lumalaban pa si Joshua. Pwede pa syang mabuhay.

' S-Sina Seungcheol at Mingyu ? '- tanong ko.

' Maayos na ang kalagayan nila. Nagpapahinga sila sa loob pero .. '- sabi nya habang nakatingin dun sa kwarto na katabi nung sakin.

Nakatingin lang ako sa kanya habang hinihintay yung sunod nyang sasabihin.

' May bali sa braso si Mingyu hyung at kailangang i-amputate yung paa ni Seungcheol hyung .. '

Napaiyak nalang ulit ako. This is too much.

' Y-Yung iba ? '- mahinang tanong ko kahit na alam ko na kung anong sagot sa tanong ko.

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now