052

2.4K 128 75
                                    

' Siguro kung hindi ako nag-apply maging PA nyo, hindi din ako magiging ganito kasaya ngayon '

--

Milk's POV

' NAAALALA MO NA LAHAT ?! '- sabay-sabay na sabi nila.

So kailangan talaga sabay-sabay ?

' Oo nga '- sabi ko.

Medyo masakit padin yung ulo ko pero alam ko sa sarili kong naaalala ko na lahat.

' Proof Noona '- sabi ni Seungkwan.

Huminga ako ng malalim.

' Ikaw si Seungkwan. Ang full name mo ay Boo Seungkwan. Jeju ang hometown mo. January 16, 1998 ang birthday mo at ang height mo ay 172 cm. 58 kg ang weight mo at B ang blood type mo. Main Vocalist ka at mahal na mahal mo si Vernon kaya palagi mong inaagaw yung mga part nya sa mga Part Switch Version ng mga kanta nyo '- sabi ko.

Natahimik silang lahat habang nanlalaki yung mata.

' Anong date kami nag-debut ? '- tanong ni DK.

' May 29, 2015 '- sagot ko.

' Sinong leader ng EXO ? '- tanong ni Hoshi.

Anong kinalaman nun dito ?

' Si Suho ? '- unsure na sagot ko kasi ang weird ng tanong nya.

' Sino ang presidente ng North Korea ? '

' Anong height ni Woozi ? '

' Nasa EXO pa ba si Lay ? '

' Bakit makintab ang gilagid ni Seungcheol hyung ? '

' Anong sanitary napkin ang gamit mo ? '

' Bakit umalis si Jessica sa SNSD ? '

' Magkasing-itim ba si Jimin at Mingyu ? '

' Bakit walang forever ? '

Juice colored, ako ba niloloko nila ?

' Magsitigil nga kayo ! Wag nyo masyadong i-pressure si Noona '- sabi ni Vernon.

' KJ '- bulong ni Mingyu.

Nginitian ko silang lahat. Lumapit naman sila sakin at niyakap ako.

Kaso natigilan ako nang maalala ko kung anong nangyari bago yung aksidente.

Nagalit nga pala sakin si Joshua.

Tumingin ako sa kanya.

' Joshua yung about pala dun sa nangyari bago yung aksidenㅡ '

' Shh. Okay na Milk. Na-explain na sakin ni Vernon. Wala ka naman palang kasalanan. Ako dapat ang nagso-sorry sayo kasi hindi man lang kita pinatapos '- sabi nya.

Tumingin ako kay Vernon. Nginitian nya ako kaya nginitian ko din sya tapos nagpasalamat ako.

' Naiintindihan namin ang pinag-uusapan nyo promise '- sabi ni Wonwoo.

' Eh kung i-share nyo kaya para maka-relate kami ? '- sabi ni Mingyu.

Natawa nalang ako.

The next thing I knew, nagpa-party na sila kasi daw nakakaalala na ako. Naglabas sila ng mga chichirya tsaka mga softdrinks.

Mga palusot pa tong mga to. Celebrate kuno daw eh gusto lang nila i-break yung diet nila.

Nasa kalagitnaan sila ng paggawa ng kagaguhan sa dorm nang magsalita si Seungcheol.

MILK / seventeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon