050

2.4K 158 71
                                    

' Pero kahit na paulit-ulit kong sabihin sayo na mahal kita, kahit kailan hindi mag-iiba ang ibig sabihin nun Milk .. '

--

Milk's POV

Ang lakas ng ulan sa labas. Buti nakabalik agad ako dito sa apartment ko.

Pakiramdam ko wala ako sa sarili ko ngayong gabi. Basta ang high ko. Wala ako sa katinuan. Masyadong akong maraming nalaman ngayong araw.

Ang sakit sa ulo.

Nagulat ako nang may biglang kumatok sa pintuan.

Syempre lumapit ako at binuksan yun.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

Si Joshua.

Nakatayo sa harapan ko, basang-basa, ang messy ng buhok at nakangiti.

Huta, bakit ang gwapo gwapo nya ?!

' Pwede ba akong pumasok ? '- nakangiting tanong nya.

Wala sa sarili akong napatango.

Umiling ako para kahit papaano ay bumalik ako sa katinuan.

Kumuha ako ng tuwalya sa cabinet ko at inabot sa kanya.

' B-Bakit ka basang-basa ? '- tanong ko sa kanya.

' Umuulan diba ? '- natatawang sagot nya.

Napakamot ako ng ulo. Hindi naman ganun yung ibig kong sabihin eh.

' Pauwi na ako ng dorm kaso biglang bumuhos yung ulan. Wala naman akong masilungan kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad '- sabi nya.

Mind reader ba to ?

' I'm not a mind reader. Your face says it all '

Napatingin ako sa kanya.

Ang gwapo nya talaga. Yung buhok nya kasi eh !

Ewan ko ba pero ang lakas ng appeal sakin ng mga lalaking messy yung buhok.

' Uhm .. kukuha lang ako sa dorm nyo ng damit mo .. '- sabi ko at akmang tatalikod na sana nang pigilan nya ako.

' Wag na. May damit naman ako dito eh '

Kumunot yung noo ko. Paano sya magkakadamit dito ?

' Trust me '- sabi nya sabay ngiti.

Napatango nalang ako at lumapit ako sa cabinet ko para maghalungkat.

Meron nga.

Ang daming mga panlalaking damit dito na sa kanya nga ata.

' B-Bakitㅡ '

Nilapat nya yung index finger nya sa labi ko.

' Pwede bang wag kang magtatanong ng kahit ano ngayong gabi ? '- tanong nya.

Tinaasan ko sya ng kilay.

' Just .. don't ask and complain kahit na anong mangyari. Go with the flow. Sundin mo kung anong sinasabi ng puso mo na gawin mo '- sabi nya.

He's weird.

Pero unconsciously, napatango ako.

Nang matapos syang magpatuyo at magbihis, tinulungan nya akong ayusin yung kama ko.

' Pwede ba akong makitulog dito ngayon ? '- tanong nya sakin.

Bakit naman sya makikitulog dito ? Ang lapit-lapit lang ng dorm nila. Pero malakas parin talaga ang ulan.

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now