049

2.3K 151 136
                                    

' Tibok palang ng puso, alam kong sya na '

--

Milk's POV

' Tapos ? '

' Tapos ayun sabi ni Wonwoo magaling daw mag-gitara yung boyfriend ko '

Nandito kaming dalawa ni Vernon sa loob ng apartment ko at kine-kwento ko sa kanya yung nangyari kanina.

' Sabihin nyo na kasi kung sino ! '- sabi ko.

Natawa lang sya tapos ginulo yung buhok ko.

' Di pa nga pwede Noona '- sabi nya.

Inirapan ko nalang sya at sa pag-iwas ko ng tingin sa kanya, napatingin naman ako sa salamin ko dito sa apartment.

Nagulat ako bigla sa nakita ko.

Ang ganda ko pala.

De joke lang.

Nagulat ako kasi nag-iba yung kulay ng buhok ko.

' Vernon ! Bakit naging brown yung buhok ko ?! '- hysterical na sabi ko sa kanya.

Tumawa sya.

' Ganyan talaga yan Noona. Abnormal ka kasi. Kapag malamig yung panahon, black yung buhok mo. Tapos pag mainit, nagiging brown '- sabi nya.

' Seryoso ka ? '- tanong ko at tumango naman sya.

Astig ko pala no ?

Maya-maya pa ay pumasok si Seungkwan sa apartment ko at hinila si Vernon palabas. Magde-date daw sila. Sus.

Ako nalang tuloy naiwan dito.

May nadali yung paa ko na box sa ilalim ng kama ko. Na-curious ako kung ano yun kaya yumuko ako para tingnan.

Dalawang box yun na hindi naman gaano kalaki. Binuhat ko yun parehas at nilapag sa kama ko.

Yung isang box puro pagkain. Punong-puno ng pepero, hello panda, m&m's at skittles.

Meron pala ako nito ? Nice naman.

Yung isang box naman ay puro lollipop pagkabukas ko. Eh ? Ang dami naman ata masyasdo ?

May nakasulat dun sa box kaya binasa ko yun.

To: Milk Noona

Merry Christmas Noona ! Siguradong hindi ka na mauubusan ng lollipop dahil dito sa regalo namin haha. Saranghae !

Love, Seventeen ♥

Ah regalo ata nila sakin to nung Pasko. Siguro mahilig talaga ako sa lollipop kaya ganito karami yung binigay nila haha.

Dahil ang dami kong na-discover ngayon dito sa kwarto ko, naghalungkat pa ako ng naghalungkat.

May nakita akong cellphone sa loob ng drawer ko. Sakin ba to ? Ayaw namang bumukas kaya naghalungkat ako ng charger.

Nang magkalaman na ng kaunti yung battery, binuksan ko na yun.

Bumungad sakin ang lockscreen na kaming dalawa ni Joshua ang wallpaper.

Nakahiga kami sa kama tapos naka-akbay sya sakin tapos parehas kaming naka-peace sign.

Eh ?

Hindi ko naman mabuksan kasi hindi ko alam yung password.

Pero bakit ganito yung wallpaper ? Close ba kami ni Joshua dati ?

Bahala na nga.

Hinugot ko na yung charger at lumabas na ako ng dorm. Wala din namang kwenta yung phone. Di ko alam password eh.

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now