042

2.3K 124 115
                                    

' S-Sino kayo ? '

--

Milk's POV

Nakauwi na kami at kasalukuyan akong nandito sa apartment ko at nakasilip sa bintana.

Nakita ko si Joshua na lumabas ng dorm nila habang dala yung gitara nya tapos umakyat sya sa bubong.

Susundan ko ba sya ?

Hay. Sige na nga.

Inayos ko yung damit ko bago ako lumabas ng apartment at umakyat sa bubong.

Nakita ko syang nakaupo dun sa kung saan kami madalas maupo habang tumutugtog sya.

Lumapit ako sa kanya.

Naramdaman kong bumilis yung tibok ng puso ko. Eto na.

' Joshua .. '

Napatigil sya sa pagtugtog pero hindi sya humarap sakin.

' Joshua naman .. '

Sinubukan kong hawakan yung balikat nya kaso umiwas sya.

' Joshua ano ba kasing problema ? Please naman sabihin mo na. Nahihirapan na kasi ako '- sabi ko habang pinipigilan na tumulo yung luha ko.

Humarap sya sakin kaya medyo natigilan ako.

' Nahihirapan ka ? '- malamig na tanong nya sakin.

Hindi ako makapagsalita. Ayoko man aminin pero natatakot ako sa kanya.

' Bakit ka naman nahihirapan sa hindi ko pagpansin sayo ? Hindi mo naman ako gusto '

Nagulat ako sa sinabi nya.

Hindi ko sya gusto ?

Eh halos mamatay na nga ako kakaisip kung bakit ayaw nya kong pansinin eh.

Yun ba yung hindi gusto ?

' A-Ano bang pinagsasabi mo Joshua ? '

Tumayo sya sa pagkakaupo nya at tiningnan ako ng deretso sa mata.

' Si Vernon naman ang totoong mahal mo diba ? Bakit mo pa ako hinahabol ngayon ? '

S-Si Vernon ? Totoong mahal ko ?

Eh pinamukha ko nga kay Vernon na hindi na sya yung mahal ko kundi si Joshua na ..

Ano bang sinasabi ni nya ? Hindi ko sya maintindihan ..

' Wag ka nang mag maang-maangan Soonbyul. Narinig ko. Tinanong ka nya kung mahal mo din sya, sumagot ka naman ng oo '

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nya.

Magpapaliwanag na sana ako kaso pinatigil nya ako.

' Wag ka nang magpaliwanag. Rinig na rinig ko kasi eh. Malinaw na nanggaling mismo sayo yung mga salitang yun '

Napayuko ako at tuluyan nang tumulo yung mga luha ko.

Naiinis ako.

Hindi lang sa kanya kundi pati na din sa sarili ko.

Huminga ako ng malalim bago ulit ako tumingin ng deretso sa mata nya.

' Narinig mo nga, hindi mo naman ako pinatapos '

Pagkasabi ko nung mga katagang yun, umalis na ako agad sa lugar na yun.

Pakiramdam ko parang tinutusok ng karayom yung puso ko.

Ang sakit.

Hindi man lang nya ako pinatapos. Hindi man lang din nya ako pinagpaliwanag.

Nang dahil lang sa maling akala nag-aaway kaming dalawa ngayon.

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now