036

2.5K 124 76
                                    

' DY, MM, S, DJ '

--

Milk's POV

Maaga akong gumising ngayon. Day off kasi ng Seventeen ngayon at excited akong makita sila.

Ilang araw ko na kasi silang hindi nakakasama. Busy kasi sila these past few days gawa nung ISAC 2016, mga tv guestings tsaka dun sa concert nila kahapon.

Tapos ako, sinabihan ni Manager na huwag munang sumama sa mga event ng SVT para matulungan ko sya sa mga paperworks nya. Ang dami kasing gustong i-guest ang Seventeen sa kung saan-saan. Syempre hindi pwedeng payag kaagad. May schedule sila na dapat sundin.

So ayun, busy kaming lahat.

Nakaka-proud din na makitang dumadami na yung mga fans nila. Dagdag na naman ng mga sasaeng at mga kaagaw ko kay Joshua lol.

Hindi ko naman pinagdadamot si Joshua sa fans. Kanila na. Sakin din naman uuwi yan sa gabi. Ay chos.

Pagkapasok ko ng dorm, nakita ko si Seungcheol na nakaupo sa sala at seryosong nakatingin sakin.

' Soonbyul '

Nagulat ako.

First time na may tumawag sakin ng Soonbyul dito sa dorm bukod kay Joshua.

Palagi kasing Noona tawag nila diba ? Nakakatakot tuloy. Ang seryoso kasi ng aura ni Seungcheol ..

' B-Bakit ? '- kinakabahang tanong ko.

' Magluto ka na ng almusal '- ma-awtordidad na sabi nya.

Wala sa sarili akong napatango. Nakakatakot si S.Coups. Seryoso.

Dumeretso ako sa kusina. Nag-isip nalang ako ng mabilis iluto na almusal kasi baka mapagalitan ako ni Seungcheol kapag nagtagal ako.

Bat kaya ang seryoso nya ? Ayos lang kaya sya ?

' Shit '- mahinang sabi ko nang mabitawan ko yung pinggan na hawak ko dahil sa pagmamadali kaya nabasag yun.

' Ano ba yan. Tatanga-tanga kasi eh '

Napalingon ako sa nagsalita.

S-Si Jeonghan ?

Kailan pa nagsalita ng ganun si Jeonghan ?

Hindi ko nalang pinansin yun at kumuha ako ng walis at dustpan para linisin yung bubog.

Binilisan ko na yung pagluluto. Pagkatapos kong ihanda yung almusal, pupunta na sana ako sa kwarto nila para gisingin sila kaso nakita kong isa-isa na silang lumabas.

' Eto na naman ang almusal ? '- tanong ni Jun na ikinagulat ko.

Hindi naman sya nagrereklamo kahit na palagi ganito yung almusal namin ah ? Naalala ko nga noong isang beses, sinabi pa nyang hindi daw nya to pagsasawaan ..

' M-Magluluto nalang ako ng bago '- sabi ko at akmang tatayo na sana.

' Wag na. Magtatagal pa. Tsk '- sabi ni Hoshi.

Bakit sila ganito ? Ano bang problema nila ?

Hindi ako makakain ng maayos. Parang lahat kasi sila pinapakiramdaman ako. Hinintay ko nalang silang matapos para mahugasan ko na yung mga pinggan.

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now