046

2.4K 141 52
                                    

' Your boyfriend hopes na sana mapatawad mo sya at sana bumalik ka na sa kanya '

--

Milk's POV

Kanina ko lang binuksan yung folder ng schedules na bigay ni Manager Yumi at nagulat nalang ako nang makitang halos walang schedule yung Seventeen this month.

Kaya pala pahila-hilata nalang sila sa paligid no ?

Nasa gitna sila ng panonood ng horror movie nang biglang lumabas si Joshua ng dorm.

Oo, sila lang ang nanonood. Hindi naman kasi ako nanonood. Hindi ko maintindihan eh. Ang lakas tumili ni Seungkwan.

Pero pansin ko lang, palaging umaalis si Joshua habang dala yung gitara nya. Saan kaya sya nagpupunta ?

Dahil may pagka chismosa ako, sinundan ko sya. Nakita kong umakyat sya sa bubong ng dorm nila.

May hagdan pala dun ? Ngayon ko lang nakita.

Hulaan nyo kung anong ginawa ko.

Bumalik nalang ako sa dorm kasi nakakatamad umakyat.

Pero syempre joke lang yun.

Umakyat ako syempre. Curiosity kills.

Nakita ko si Joshua na nakaupo doon habang tumutugtog. Mukhang malungkot sya.

Lumapit ako sa kanya kahit na medyo nahihiya ako since hindi naman kami masyadong nakakapag-usap simula nung lumabas ako ng ospital.

Naupo ako sa tabi nya kaya napatigil sya at napatingin sakin.

' Uhm .. pwedeng pahiram ? '- tanong ko habang nakaturo sa gitara nya.

' H-Hihiramin mo ? '- tanong nya.

Ang sarap palang pakinggan ng boses nya.

' Ah .. ewan ko ba. Pakiramdam ko kasi marunong ako nyan dati '- sagot ko.

Habang inaabot nya sakin yung gitara nya, nahawakan nya yung kamay ko. May naramdaman akong parang kuryente kaya agad kong nilayo yung kamay ko.

' Uy ayos ka lang ? '- tanong nya sakin.

' A-Ah oo '- sagot ko tapos kinuha ko na yung gitara nya.

Mga ilang segundo ko din sigurong tinitigan yung bago ko iginalaw yung kamay ko.

Ine-expect kong wala sa tono yung sound na magagawa ko pero nagulat ako. Parang kusang gumagalaw yung kamay ko. Hindi sya sintunado.

Napatigil ako sa ginagawa ko nang mapansin kong nakatitig sya sakin. Nahiya ako bigla kaya napatigil ako sa pagtugtog.

' Bakit ka tumigil ? Ang galing mo kaya .. '- sabi nya sakin.

Ngumiti ako ng nakakaloko.

' Crush mo na ko nyan ? '- mapang-asar na tanong ko.

Parehas kaming natigilan sa sinagot ko.

Pakiramdam ko, nangyari na to.

Napipikit ako nang biglang sumakit ang ulo ko.

Hindi nga ako nagkakamali. Nangyari na nga ito.

Sa labas ng dorm nila. Dati. Malungkot sya noon at sinusubukan kong pasayahin sya kaya tumugtog ako.

Malapit kaya kami sa isa't-isa dati ?

' Joshua .. '- pagtawag ko sa kanya.

Tumingin naman sya sakin.

MILK / seventeenDove le storie prendono vita. Scoprilo ora