047

2.6K 123 54
                                    

' Yung taong gusto ko kasi, may boyfriend na. Kaso hindi nya kilala kung sino '

--

Milk's POV

Nagising ako na masakit ang ulo pero masaya.

Naaalala ko na sila Minhee at Seugmin.

Napanaginipan ko lahat ng mga nangyari samin. May times na kaming apat nila Vernon ang magkakasama at meron namang mga times na isang lalaki ang kasama namin.

Sigurado akong member din sya ng Seventeen pero hindi ko makilala kasi medyo malabo yung mukha nya.

Itatanong ko nalang kina Minhee at Seungmin.

Nag-ayos muna ako ng sarili bago ako nagpunta sa dorm at naabutan ko silang nanonood na naman ng movie.

Ginawa na ba nilang sinehan tong dorm ?

' Oh ano na naman yang pinapanood nyo ? '- tanong ko sa kanila tapos naupo ako sa gitna nila Vernon at Hoshi.

' Miracle in Cell No. 7 '- sagot ni Seungkwan.

Habang nanonood sila, gustong-gusto ko nang matawa dahil sa mga mukha nila. Mukha kasi silang namatayan.

Sus, hindi naman nakakaiyak tong pinapanood nila.

' Oh Noona ? Anyare sayo ? '- tanong sakin ni Hoshi.

' H-Ha ? '- wala sa sariling tanong ko.

' Umiiyak ka agad Noona ? Wala pa nga dun sa pinaka nakakaiyak na part eh ! '- sabi sakin ni Mingyu.

Putspa. Nakakaiyak pala talaga to.

Nagulat nalang ako nang may kamay na nagpunas sa luha ko.

' Mukha kang dugyot '- natatawang sabi sakin ni Vernon habang pinupunasan yung luha ko.

' Grabe si hyung oh '- rinig kong sabi ni Dino.

' Mangiyak-ngiyak na nga tayo, nakuha pa nyang dumamoves '- sabi ni Jun.

Natawa nalang ako sa mga side comments nila.

Pero ayoko nang panoodin tong movie na to. Naiinis ako. Ang sarap batukan nung mga taong ang hilig mag-jump into conclusions kahit na wala namang ebidensya.

' Vernon, alis na tayo '- bulong ko sa kanya.

' Ayaw mo bang manood ? '- tanong nya sakin.

' Eh kase .. '

Hindi pa man ako nakakasagot, tumayo na sya mula sa kinauupuan nya at nilahad yung kamay nya sakin.

' Tara na nga. Alam mo namang hindi kita matitiis '- nakangiting sabi nya.

Napangiti nalang din ako tapos tinanggap ko yung kamay nya at tinulungan nya akong tumayo.

Hinila ko sya palabas sa dorm at parang nakalimutan ko na agad yung lungkot nung pinanood namin kasi naalala ko sina Minhee at Seungmin.

' Kanina lang umiiyak ka tapos ngayon naman mukhang ang saya-saya mo na '- sabi ni Vernon sabay pisil ng pisngi ko.

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now