011

4K 155 69
                                    

' Madali lang naman to eh. Kayong dalawa ni Jisoo hyung, pagseselosin nyo si Vernon '

--

Milk's POV

Buong biyahe, inasar lang ako ng inasar ni Mingyu. Ano ba namang buhay to. Akala ko naman matatahimik na ang buhay ko kapag nalaman na nila yung 'crush' ko.

' Grabe Noona. Kaya ka pala dikit ng dikit sakin kanina kasi crush mo ko '- sabi ni Mingyu.

' Pwede ba ? Sinabi ko lang naman kanina yun dahil wala na akong choice, okay ? Ang kulit kasi nila ! '- sabi ko.

' Sus. Bakit ako pa ? Pwede namang si Jun hyung nalang o kaya si Jeonghan hyung '- sabi nya.

' Eh ikaw yung una kong nakita kasi ang tangkad mo na, ang itim mo pa ! Tsaka kaya lang naman ako dumidikit sayo kanina dahil ang dami mong lollipop ! '- sagot ko.

Medyo nawala yung badtrip ko nang makarating na kami sa dorm. Sa wakas ! Makakatulog na ako ! Makikipag-date ulit ako sa kama ko !

' Noona, mag-usap nga tayong dalawa '- seryosong sabi sakin ni Seungkwan.

Tinaasan ko sya ng kilay. Natakot ata sya kaya nagtago sya sa likod ni Hoshi.

' Ang sungit ni Noona. Ikaw na nga kumausap '- rinig kong bulong ni Seungkwan

' Tss. Low quality ka kasi eh '- sabi ni Hoshi kay Seungkwan.

' Low quality ?! I'm the best quality ! '- sabi ni Seungkwan kay Hoshi.

Paki-paalala nga sakin kung pano ko naging kaibigan tong tatlong to.

Nakita ko namang nag-roll eyes si DK at Joshua. Ang taray nila ha.

Wait, bakit nandito si Joshua ? Last time I checked, apat lang ang SquadBalls.

Gumawa nalang sila ni Jeonghan ng sarili nilang squad. Pwede na yung Malasquad. Malapit naman yun sa Malaswa. Tutal palagi naman silang naglalandian eh.

' Noona, sumama ka samin '- sabi ni DK sakin tapos hinila ako sa apartment ko.

Ay wow. Kinulong pa nila ako sa apartment ko. May mga sasabihin daw sila. Ano bang trip nila ? Inaantok na ko eh.

' May naisip kasi kaming plano tutal alam naman naming patay na patay ka kay Vernon '- sabi ni DK.

' Kulang na nga lang pagawan ka na namin ng kabaong '- sabi ni Seungkwan.

Hindi na ako sumagot. Hays. Totoo naman diba ?

Napatingin lang ako kay Joshua. Nakaupo sya sa kama ko habang nakatingin sakin ng seryoso. Bakit ba kasi nandito to ?

' Yung sa kanina nga pala Noona, hindi ka magaling magsinungaling '- sabi ni Hoshi.

' Oo nga. Kunwari ka pang si Mingyu. Sus. Ipaubaya mo na yun kay Wonwoo hyung dahil may Vernon ka na. Alam ko namang gwapo kaming lahat pero isa-isa lang, okay ? '- sabi ni DK kaya nabatukan sya ni Hoshi at Seungkwan.

Juice colored.

' Ano ba yung planong sinasabi nyo ? '- tanong ko kina Hoshi.

' Madali lang naman to eh. Kayong dalawa ni Jisoo hyung, pagseselosin nyo si Vernon '- sabi ni Hoshi.

' Ha ?! '- gulat na tanong ko.

Seryoso ba sila ?!

' Wag kang maingay Noona. Natutulog na yung ibang members '- sabi ni Seungkwan.

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now