059

2.3K 146 82
                                    

' Ang hirap pala na yung bagay na nakasanayan mo ay bigla nalang aalisin sayo '

--

Milk's POV

Pagkapasok na pagkapasok ko dun, tumakbo agad ako papunta sa katawan ni Joshua at niyakap yun habang umiiyak.

' Joshua .. ang sama-sama mo. S-Sabi mo habang buhay tayong dalawa .. d-diba ? Pero bakit mo ako iniwan agad ? '- umiiyak na sabi ko.

Umaasa ako na didilat sya, na yayakapin nya ako pabalik at hahalikan sa noo at sasabihing Sinong may sabing iniwan na kita Milk ?

Pero alam kong napaka-imposibleng mangyari yun.

' S-Sobra akong nanlulumong makita ka na nakahiga dyan at wala ng b-buhay. Pakiramdam ko nauubos na lahat ng l-lakas ko .. '

Hinawakan ko ng mahigpit yung kamay nya.

' Ikaw yung lakas ko eh. Ikaw yung d-dahilan kung bakit pinipilit kong magpakatatag sa sitwasyon na to ngayon kahit mahirap. A-Alam ko kasing kakayanin mo eh .. '

Napayuko ako.

' L-Lalaban ka pa dapat eh. Para sakin .. at para samin. Pero b-bakit ganito Joshua ? '

Sunod-sunod na pumapatak ang luha ko kasabay ng pagpasok ng mga alaala naming dalawa sa utak ko.

' M-Makakaya ko pa ba ngayong wala ka na ? '

Binaon ko yung mukha ko sa dibdib nya at niyakap ulit sya.

Mga ilang minuto pa akong umiyak habang nasa ganung pwesto hanggang sa naramdaman kong parang wala nang luhang lumalabas sa mata ko.

Pati luha ko sinukuan na ako.

Inangat ko yung ulo ko at tiningnan yung mukha nya.

' Nag-rereklamo ka ba ? '

' Wag mo namang pahirapan si Noona '

' Trabaho nya yan. Pinapasweldo sya para utusan natin '

Hinaplos ko yung pisngi nya.

' N-Naalala mo ba nung unang araw ko bilang PA nyo ? Buong araw mo akong inutusan nun .. '- sabi ko habang pinupunasan yung luha sa mata ko.

' .. p-pero sino ba namang mag-aakala na yung taong kinaiinisan ko noon ay mamahalin ko ng g-ganito ? '- sabi ko tapos hinaplos ko yung pisngi nya.

Buong araw akong pagod noong unang araw kong yun bilang PA nyo.

Pero ngayon, kahit habang buhay pa kitang pagsilbihan, hinding-hindi ako mapapagod Joshua.

' Alam mo Soonbyul, maganda ka sana kung hindi ka lang mataba '

' Hindi nga kasi ako mataba ! Ikaw gwapo ka sana kung di ka lang mayabang ! '

Naalala ko yung mga panahong wala kaming ginawa kundi mag-away at mag-asaran.

' P-Palagi pa tayong nag-aaway noon eh. Para tayong aso't-pusa. Walang gustong magpatalo sating dalawa .. '

Hinawakan ko ulit yung kamay nya.

Kung pwede lang sanang balikan yung mga panahong yun. Yung wala kaming problema bukod sa pagtatalo naming dalawa.

Kahit sa ganun lang, masaya na ako. At least buhay sya.

' Ayoko nga ! Mas gugustuhin ko pa na friendzoned ako kay Vernon forever kesa makipaglandian sa Joshua na yan '

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now