005

4.5K 212 81
                                    

' Kung may natutuwa, syempre may nagseselos '

--

Milk's POV

' Hoy tokwang tahong '- sabi ko sabay lapit kay Joshua na nakatambay sa labas ng dorm.

' Tokwang tahong ? Ako ? '- tanong nya habang nakaturo sa sarili nya.

Joshua Hong

Tokwang Tahong

Medyo magkatunog naman. Pwede na.

' Oo ikaw ! Bakit mo sinabi kay Vernon na may pupuntahan tayo bukas kahit wala naman ?! '- sabi ko.

Bwisit kasi eh. Chance ko na yun ! Chance na namin yun ni Vernon para sa first step ng pagsasakatuparan ng Breakfast Couple !

' Eh bakit galit ka ? PA ka lang diba ? '- sabi nya.

Medyo natigilan ako. Oo nga pala. PA lang ako at sya ang amo.

Scratch that. Sila ang amo. Ang hilig netong tokwang to na solohin ako.

Crush talaga ko neto eh.

' Eh kasi ikaw eh ! Yun na yun .. niyaya na ako ni Hansol na samahan sya '- sabi ko habang nakayuko.

' Bakit ba baliw na baliw ka kay Vernon ? '- sabi nya kaya napatingala ako sa kanya.

' Wala kang pake '- sabi ko tapos inirapan sya.

Wala na akong pakialam kung amo ko to. Oo gagawin ko padin yung trabaho ko pero gaganti na ako sa mga kalokohan nya !

' Nice. Alam ko na kung pano ka aasarin '- sabi nya habang nakangisi.

Pumasok sya ng dorm at ako naman ay naiwan sa labas.

Bwisit na tahong to. Ano na naman bang plano nya ?

--

' Noona ! Pakigising nga si Seungcheol hyung ! '- sabi sakin ni Hoshi.

Naglakad ako papunta sa kwarto ni Seungcheol. Di ko na pinansin si Hoshi. Inaantok pa kasi ako. Pero kailangan na nilang magpunta sa Pledis para mag-practice ng sayaw.

Parang zombie ako habang binubuksan ko yung pinto pero biglang nagising ang kaluluwa ko dahil sa nakita ko.

NAKA-TOPLESS SI SEUNGCHEOL HABANG NATUTULOG

Agad kong sinarado yung pinto at nag-walling. Baka magkasala ako kay Vernon babes ng wala sa oras !

' Anong ginagawa mo dyan Noona ? Bat ka nagwo-walling ? '- tanong ni Dino.

Agad naman akong tumayo. Nakakahiya. Nakita pa ko ni Dino.

' Baby Dino gisingin mo si Seungcheol. Maliligo lang ako '- sabi ko kay Dino.

Sumunod naman sya sakin. Minsan naawa na ako dito kay maknae eh. Palaging inuutusan.

Nagpunta ako sa apartment ko para maligo at magbihis. Nag-short at hoodie lang ako. Alangan namang mag-dress pa ko.

' Noona ang bagal mo naman ! '- rinig kong sigaw ni Mingyu habang kumakatok sa pinto.

Kahit kailan napaka-moody netong lalaking to.

' Sandali lang ! '- sabi ko habang nagsusuklay.

' Tss. Mga babae nga naman '- rinig kong sabi nung tokwa.

Hindi ko hinihingi ang opinyon nya. Tss.

Binuksan ko na yung pinto ng apartment ko. Lahat sila nakanganga. Problema ng mga to ?

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now