022

3.4K 128 22
                                    

' Ang sweet nyo naman ni Joshua hyung '

--

Milk's POV

Mag-isa ako dito sa dorm nila ngayon. Nakakatamad sa apartment ko kaya dito muna ko tumambay.

Nasa photoshoot kasi sila nung Season Greetings nila. Hindi na ako sumama kasi mabilis lang naman daw yun sabi nung Manager nila.

Tsaka ang gulo ng dorm nila kaya ayusin ko na din.

Kinakanta ko ng mahina yung Q & A habang naglilinis.

Nakaka-proud talaga si Vernon babes. Ang galing galing nya mag-rap.

Hindi pinansin si S.Coups at Woozi eh no haha.

Hindi naman ako nagselos dun sa MV. Wala naman silang skinship nung babae kaya ayos lang sakin lol.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-huhugas ng pinggan nang marinig kong bumukas yung pinto.

' Noona ! Tulungan na kita '

Si Vernon pala. Ang bilis nga nung photoshoot. Pero asan na yung iba ?

' Nauna na ako kasi kakain pa daw sila. Eh hindi naman ako nagugutom tsaka wala kang kasama dito kaya sabi ko sa kanila mauuna na kong umuwi '- sabi nya.

Bakit ka ganyan Vernon ? Pinapaasa mo na naman ako.

' Tulungan kita '- sabi nya tapos nagsimula nang maghugas ng pinggan.

Nakatayo padin ako at nakatitig sa kanya. Ang gwapo nya kasi eh !

Oo palagi syang gwapo pero basta. Ang gwapo nya.

' Huy '- sabi nya sabay wisik ng tubig sa mukha ko kaya napapikit ako.

' Baliw ka '- sabi ko tapos winisikan din sya ng tubig.

Nanlaki yung mata nya.

' Hala basa na ko ! '- sabi nya.

Baliw din to eh no ? Sya kaya nanguna.

' OA mo. Kaunti lang naman '- sabi ko.

Nagpatuloy ako sa paghuhugas ng pinggan nang may naramdaman akong tumulong tubig sa ulo ko.

' Wth Vernon ! '- gulat na sabi ko.

Tumawa lang sya.

Baliw ba to ?

Kumuha din ako ng tubig at binuhos sa ulo nya.

' Noona ! '- bulyaw nya sakin.

' Gumanti lang naman ako ! '- sabi ko.

' Ah ganyanan pala ha '- sabi nya tapos nagipon ulit ng tubig sa kamay nya.

Bago pa man nya ako wisikan, tumakbo na ako palayo. Kaya nang makalapit sya sakin, ubos na yung tubig sa kamay nya kaya natawa ako.

Pinahid nya sakin yung kamay nyang basang-basa kaya tumakbo ulit ako sa lababo para kumuha ng tubig.

Isang buong baso yung binuhos ko sa kanya. Sya naman dalawang baso yung binuhos sakin. Madaya !

Nakita kong nag-iipon ulit sya ng tubig kaya tumakbo na ulit ako.

Para kaming batang naglalaro. Takbuhan kami nang takbuhan. Basang-basa na kami parehas.

Sya pasimuno eh !

Nagulat ako nang bigla akong madulas kasi nga basang-basa na din yung lapag kaya natumba ako sa kanya.

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now