057

2.1K 132 129
                                    

' In a catastrophe covered in scarlet, she could only scream and cry '

--

Milk's POV

Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng ingay.

Didilat na sana ako kaso naramdaman kong sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko kayang imulat ang mata ko. Basta ang alam ko, namamanhid ang katawan ko.

Hindi ako makagalaw.

' Soonbyul ! Soonbyul ! '
Narinig ko ang boses ni Vernon na tinatawag ang pangalan ko habang inaalog ako.

Kahit na masakit ang ulo ko, pinilit kong imulat ang mata ko.

Nakita ko si Vernon sa harapan ko habang puno ng dugo ang suot nyang T-shirt at may sugat sa bandang ulo.

' V-Vernon anong nangyari ?! B-Bakit puro d-dugo ka ?! '- natatarantang tanong ko.

Tumingin-tingin ako sa paligid at nanlumo ako sa nakita ko.

D-Dugo .. P-Puro dugo ..

Yung van na sinasakyan namin, umaapoy na. Yung ibang members, nakahandusay sa paligid habang walang malay at puno ng dugo.

' V-Vernon b-bakit .. puro dugo ? B-Bakit ganito ? Anong nangyari .. '- umiiyak na sabi ko.

' Soonbyul kailangan na nating umalis. Nabangga yung sinasakyan nating van. You need to save your life '- sabi ni Vernon habang nakahawak sa magkabilang balikat ko.

Hindi ko alam kung paano nya na-manage na magsalita ng deretso dahil ako mismo, nanginginig sa takot. Pero kita ko sa mga mata nya na takot din sya at pinipilit nya lang magpakatatag.

' P-Pero s-si Joshua ? S-Sina Seungkwan ? Sina Hoshi ? -P-Paano sila ? '- naguguluhang tanong ko.

' I tried waking them up but they're all unconscious. Please Soonbyul, save yourself. Umalis ka na. Kahit ikaw nalang ang mabuhay. We can't bear to lose you '- sabi ni Vernon. This time umiiyak na sya.

Nararamdaman kong sumisikip na yung dibdib ko dahil sa takot ko sa dugo pero kailangan kong labanan to.

Hindi ako pwedeng magpadala sa takot ko. Not in this situation.

' Hindi ko sila pwedeng iwanan Vernon '- sabi ko tapos tumayo ako sa kinauupuan ko at nilapitan yung ibang members.

' Joshua ! Jeonghan ! P-Please gumising kayo .. '- umiiyak na sabi ko habang tinatapik silang dalawa na walang malay.

Pakiramdam ko pinupunit yung puso ko habang nakatingin ako sa kanilang dalawa na magkayakap.

Sinubukan kong gisingin ulit silang dalawa pero ayaw talaga.

Tumingin pa ako sa paligid at nanghina ako nang makita ko ang katawan ni Seungcheol na puro dugo katabi si Dino na puro lapnos ang katawan.

Naramdaman ko nalang na sinalo ako ni Vernon dahil hindi na kinaya ng paa ko dahil sa mga sugat.

' Soonbyul please .. Umalis ka na dito .. '- nagmamakaawang sabi nya sakin.

' Hindi ako aalis dito hanggat hindi sila gumigising lahat ! '- umiiyak na sabi ko.

' M-Mingyu, gumising ka .. '

Nabuhayan ako ng loob nang marinig ko ang boses ni Wonwoo na katabi si Mingyu.

Agad-agad akong lumapit sa pwesto nila kahit na puro bubog doon dahil sa pagkabasag ng bintana.

' W-Wonwoo ! '- umiiyak na sabi ko.

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now