060

2.8K 153 229
                                    

' Habang buhay kong itatatak sa puso't-isip ko yung mga pinagsamahan naming lahat '

--

Milk's POV

' Cereal tara na '- sabi ko habang nakalahad yung dalawang kamay ko sa kanya.

Nagulat ako kasi umiling sya tapos sumiksik sya dun sa sulok ng kama.

' Sasama ka ba ? '- tanong ko at kinawag nya lang yung buntot nya.

' Yun naman pala eh. Tara na '- sabi ko tapos lumapit ako sa kanya kaso mas sumiksik pa sya dun.

Napabuntong hininga nalang ako.

Ngayon ang araw ng libing nung sampung members at papunta na kami dun kaso mukhang ayaw ni Cereal.

Ayoko din namang pumunta kasi hanggang ngayon hindi ko padin matanggap ang nagyari kaso naisip ko na eto na yung huling pagkakataon na makikita ko sila.

' Cereal tara na. Nandun naman si Vernon eh '- sabi ko.

Agad-agad naman syang tumakbo papunta sakin tapos binuhat ko na sya. Si Vernon lang pala ang katapat nya.

Lumabas na ako dun sa boarding house na tinutuluyan ko at sumakay na ng taxi papunta sa sementeryo.

Nasa loob palang ako ng sasakyan, nakaramdam na naman ako ng tensyon. Paniguradong malulungkot na naman ako ng sobra mamaya.

Bumaba na agad ako ng taxi pagkadating namin dun. Nakita kong madami nang mga tao dito na siguro ay mga magulang nung mga pumanaw na members.

Walang mga fans kasi nag-release ng statement ang Pledis na gusto nilang gawing pribado ang libing at masaya ako kasi nirespeto ng mga fans yun.

Naglakad ako papunta sa direksyon ni Vernon. Kinulbit ko sya tapos nginitian ko sya ng pilit pagkaharap nya.

Niyakap naman nya ako agad. Naramdaman kong may tumulong luha sa mata ko pero pinunasan ko agad yun.

' Kamusta ang pakiramdam mo Noona ? '- tanong nya sakin.

' Medyo magaan na pero masakit padin talaga '- sagot ko.

Ngumiti lang sya.

' Ah ipapakilala nga pala kita sa mama ko tsaka kay Sofia '- sabi nya tapos may nilapitan syang isang magandang babae na nakaupo habang katabi si Sofia.

Lumapit sila sakin. Nginitian ko sila at binati kahit na nahihiya ako.

Ang ganda ng mama ni Vernon at ang cute lalo ni Sofia sa personal.

' Ma, sya po si Soonbyul. Yung palagi kong kine-kwento sa inyo '- sabi ni Vernon.

Nginitian ako nung mama nya.

' Ah sya yung crush mo ? Ang ganda ng taste mo Hansol '- nakangiting sabi nung mama nya kahit na halata sa mata nyang malungkot sya.

Malamang, sino ba namang hindi malulungkot kung nasa libing ka ng grupong to.

' Ma naman .. '- sabi ni Vernon kaya natawa nalang ako ng mahina.

' Milk Unnie ang ganda nyo lalo sa personal '- sabi sakin ni Sofia kaya nginitian ko sya at ginulo yung buhok nya.

' Salamat Sofia. Ikaw din '- sabi ko.

Mukhang nagulat sya.

' Nakakaalala ka na po ? '- tanong nya kaya tumango ako.

Nagulat ako nang yakapin nya ako. Manang-mana talaga sya sa Kuya nya. Parehas silang sweet.

Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Yuhee Unnie kasama sina Minhee at Seungmin kaya nag-excuse muna ako kina Vernon para lapitan sila.

MILK / seventeenOù les histoires vivent. Découvrez maintenant