026

3.2K 148 212
                                    

' Parang lumiit ka nga eh. Dati nasa isip lang kita tapos ngayon nasa puso ko na '

--

Milk's POV

' Hoy '- pagtawag ko kay Joshua na nagse-cellphone.

' Oh ? '- sabi nya habang hindi inaalis yung tingin nya sa cellphone nya.

Pano kaya kami magkakasyang dalawa dun sa kama eh sinakop na nya lahat ng space ? Tss.

Tapos mukhang aliw na aliw sya sa pagbabasa at pagre-reply sa mga tweets ng mga fans nya.

Kaya eto, nakaupo ako sa sahig at mukhang tangang nakatunganga sa kanya.

' Para kang tanga dyan. Dito ka nga '- sabi nya sabay usod kaya medyo nagka-space na.

Napakamot ako ng ulo bago naupo sa tabi nya.

Rinig na rinig ko padin yung buhos ng ulan sa labas. At kaninang-kanina padin hindi mawala sa isip ko yung thought na kung may gusto nga ba sya sakin kahit kaunti lang.

Try ko kayang magtanong ?

Hoy Joshua, umamin ka nga, may gusto ka ba sakin ?

Wag naman ganyan. Parang ang adib masyado.

Uh Joshua ? May itatanong lang sana ako kung ayos lang ..

Masyadong namang pabebe pag ganyan.

Ay wait may naisip na ko.

' Joshua, may iba ka pa bang nagugustuhan bukod kay Y ? '- tanong ko.

Tumingin sya sakin sandali bago binalik ulit yung tingin nya sa cellphone nya.

' Wala. Bakit mo natanong ? '- sagot nya.

*insert sound effects ng nabasag*

Yan kase. Umasa ka na naman Soonbyul.

Asa pang magustuhan ka nyan.

' W-Wala. Naisip ko lang bigla '- sagot ko sabay iwas ng tingin.

Natahimik kaming dalawa. Nahiga na ako tapos tumitig sa kisame.

Iniisip ko yung sinabi ni Dino. Kapag daw pinili ko yung isa, masasaktan naman yung isa.

Alam kong si Vernon at Joshua ang tinutukoy nya pero hindi ko din gets. Wala naman kasi silang gusto sakin parehas pero ..

ARGH BAKIT BA KASI ANG GULO

Sige na nga. Aaminin ko na.

May nararamdaman ako kay Joshua.

Ayan na ha. Hindi ko na ide-deny. Ako din kasi ang nahihirapan.

Pero hindi ko alam kung may nararamdaman pa ba ko kay Vernon.

Pero siguro meron pa. Kasi hindi naman basta-basta mawawala yun eh. Hindi na lang siguro gaya nung dati na baliw na baliw ako sa kanya.

Tsaka parang wala na ding saysay tong pagkukunwari namin ni Joshua kasi parang wala namang epekto kay Vernon.

Pero hindi na ako magrereklamo.

Gaya nga ng sinabi ko kay Dino, masaya na ako sa kung anong meron kaming lahat ngayon.

Close kami ni Vernon. Kuntento na ko dun.

Close din kami ni tahong. Kuntento na din ako.

' Ano na namang kadramahan yan ? Mag-ingay ka nga. Hindi ako sanay na tahimik ka eh '- sabi sakin ni tahong.

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now