032

2.9K 125 49
                                    

' Happiness is seeing the one you love smiling even if you're not the reason behind that smile '

--

Milk's POV

Lumipas ang ilang araw at masasabi kong naging maayos na ang lahat.

Kinausap ni Joshua si Manager Yumi. Humingi sya ng tawad sa mga nasabi nya sakin tapos bilang sorry, hinanap nya yung school kung saan nag-aaral yung mga sasaeng na sumugod sakin. Nag-sorry sila tapos na-suspend sila ng dalawang linggo.

Pero syempre hindi sinabi ni Joshua kay Manager na may relasyon kaming dalawa. Edi mas lalo nang nalintikan.

Pinalitan ni Seungcheol yung password ng Wifi nila para di daw ako ma-tempt na buksan yung Twitter ko.

Di ko tuloy mabuksan yung fan account ko ng Seventeen sa IG. Pero ayos na din to. Matatahimik na ako sa wakas.

Si Joshua naman, hindi mo talaga sya mahihiwalay sakin. Palagi syang nakabuntot sakin lately. Di naman sa nagrereklamo ako. Natutuwa nga ako eh. Tinutupad nya yung pangako nya.

Napagbati ko na din yung SquadBalls at SquadWard. Sinabi ko sa kanilang salitan nalang yung mga gala namin para fair kaya natuwa sila.

Si Vernon ? Hindi ko na sya masyadong nakakausap eh. Hindi ko na matandaan kung kailan kami huling nag-usap.

' Noona '

Speaking of.

' Uy Vernon. Bakit ? '- nakangiting tanong ko.

May nagbago nga lang.

Hindi na ako kinakabahan kapag nandyan si Vernon di gaya ng dati.

Hindi naman basta-basta mawawala agad yung nararamdaman ko sa kanya. Halos one and a half year kaya akong nabaliw sa kanya.

Pero masaya ako kasi nakaka-move on na ako kahit papaano.

' Yayayain sana kitang lumabas kung ayos lang Noona ? Ang tagal na din nating hindi nakagala ng tayo lang eh '- sabi nya.

' Sama kami ! '- sabay-sabay na sabi ni Mingyu, Wonwoo at Seungcheol kaya napalingon kami sa kanila.

' Wag na mga hyung. Next time nalang kayo '- sabi ni Vernon kaya natawa ako.

' Di wag. Joshua hyung oh ! Niyayaya ni Vernon si Noona na mag-date ! '- sumbong ni Mingyu kay Joshua.

Napatingin sakin si Joshua kaya nginitian ko sya. Inirapan nya ako pero tumango din naman.

Yiee. Mahal nya talaga ko. Chos.

Nang makapagbihis na kami parehas ni Vernon, tinanong ko sya kung saan ba kami pupunta.

Hindi daw nya alam.

Sapakin ko kaya sya ? Magyaya tapos wala naman pala syang plano.

' Ano bang gusto mong gawin ? '- tanong nya habang naglalakad kami.

Sasabihin ko sanang kahit ano kaso may naisip ako.

' Dahil palaging ikaw ang nanlilibre, ako naman ngayon '- sabi ko tapos hinila ko sya papasok sa isang ice cream parlor.

Wala lang. Nag-crave lang ako bigla ng ice cream.

Tsaka eto lang kaya ng budget ko ngayon. Sorna.

Naupo kami dun sa medyo dulo. Para hindi masyadong matao.

Bigla namang may lumapit saming babaeng waitress.

' Good afternoon Sir '- todo ngiting bati nya kay Vernon tapos kumindat pa !

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now