045

2.5K 122 37
                                    

' Kasalan ko kung bakit nangyari sayo to. Pasensya na '

--

Milk's POV

Nakauwi na yung ibang members pagkadating namin sa dorm. Pinagkaguluhan nila yung hawak kong aso sa pangunguna ni Minghao at Mingyu.

' Ingatan nyo ah. May pilay yan '- sabi ko sa kanila bago ako naupo sa tabi nila Hoshi, Seungkwan at DK.

Napatingin silang tatlo sakin.

' Bat ka nagpagupit Noona ? '- tanong ni Hoshi.

' Sign of moving on na ba yan ? '- tanong ni Seungkwan.

Moving on ?

' Moving on saan ? '- tanong ko.

' Kay Joshㅡ '

Bago pa man matapos ni Seungkwan yung sasabihin nya, siniko sya ni DK.

Ang weird nila.

Napatingin ako sa gilid ko at napansin kong nakatitig sakin si Joshua. Agad naman syang umiwas ng tingin.

' Noona anong pangalan nya ? '- tanong ni Minghao habang buhat nya yung aso.

' Cereal '- sagot ko.

' Ang cute cute nya Noona. Pati na din yung pangalan nya. Para kayong mag-ina '- sabi ni Mingyu.

' Tapos si Vernon ang tatay '- sabi ni DK.

Tumingin ako kay Vernon. Nginitian lang nya ako.

' Hindi ako papayag ! Sakin lang si Hansol babes ! '- OA na sabi ni Seungkwan sabay yakap kay Vernon.

' Mandiri ka nga Seungkwan '- sabi sa kanya ni Vernon.

' Babes inaaway nya ako ! '- sumbong ni Seungkwan kay Hoshi habang nakaturo kay Vernon.

' May problema ka ba sa jowa ko ? '- mayabang na tanong ni Hoshi kay Vernon.

Natawa nalang kami sa kabaklaan nila.

Nagpunta ako sa kusina at nakita ko si Seungcheol na nagluluto.

' Anong niluluto mo ? '- tanong ko sa kanya.

' Pagmamahal ko na iaalay sayo '

Sinamaan ko sya ng tingin.

' Seryoso kasi '- sabi ko.

' Samgyeopsal '- sagot nya.

Nakakunot yung noo ko habang pinapanood syang magluto.

' Luto na yang karne ah ? Bat ayaw mo pang patayin yung kalan ? '- takang tanong ko.

Tinaasan nya ako ng kilay.

' Anong luto na ang sinasabi mo Noona ? Kita mong mapula pa '- sabi nya.

Niloloko ba nya ako ?

' Anong mapula ? Kulay brown na kaya ! Colorblind ka ba ? '- tanong ko sa kanya.

Napabuntong hininga sya at ngumiti lang bago ginulo yung buhok ko.

Okay ?

' Noona ! May bisita ka ! '- sabi ni Dino pagkapasok nya sa kusina.

Sino namang bibisita sakin ?

Sinundan ko si Dino papunta sa sala at may nakita ako dung lalaki na pinagkakaguluhan nung ibang members.

Pagkakita nya sakin, ngumiti sya. Ewan ko ba, parang may humila sakin na yakapin sya.

Sya yung nakausap ko sa ospital via video call. Doyoon ang pangalan nya kung tama ang pagkakatanda ko.

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now