033

2.9K 119 114
                                    

' Bat ko papakasalan yun eh hindi naman ikaw yun ? '

--

Milk's POV

Masyado akong na-carried away sa mga pangyayari kaya ngayon ko lang na-realize na hindi ko pa nasasabi sa SquadBalls na totoo na yung relationship namin ni Joshua.

Paniguradong aasarin nila ako !

Diba palagi nilang sinasabi na sa ganito din hahantong yung fake relationship namin ni tahong ?

Tapos ayaw ko pang maniwala kasi hindi naman ganun ka-cliché ang buhay.

Pumasok ako sa dorm nila at nakita ko silang tatlo na nakaupo sa sala habang nanonood ng Spongebob. Juice ko.

' Mga bading '- pagtawag ko sa kanila.

Agad naman silang napalingon sakin.

See ? Alam nilang sila yon.

' A-Ano, may sasabihin ako sa inyo '- sabi ko.

' BUNTIS KA ?! '

I can feel myself facepalming internally.

' Hinde ! Anoㅡ '

' MAY STAGE 4 CANCER KA ?! '

Juics colored.

' Makinig kase kayㅡ '

' TOMBOY KA ?! '

Bwiset ayoko na nga.

Tumayo ako at naglakad palayo.

Hindi ba nila kayang magseryoso kahit sandali lang ?

' Uy Noona joke lang ! '- sabay-sabay na sabi nila tapos hinila nila ako pabalik.

Sinamaan ko lang sila ng tingin.

' Seryoso na Noona. Anong sasabihin mo ? '- tanong ni Hoshi.

Iirapan ko sana sila kaso napangiti ako bigla.

Ganito ba kapag inlove ?

Bigla ka nalang mapapangiti ng walang dahilan ?

Or baka nababaliw na ako ?

' Naks naman Noona ! Yung mga ganyang ngiti may ibig sabihin yan eh ! '- sabi ni Seungkwan.

' Inlove ka no ? Ayieeee '- sabi ni DK.

Napakamot nalang ako ng ulo. Medyo nakakahiya pala to.

' A-Ano kase .. kami na talaga '- nakayukong sabi ko.

Natimik sila kaya napatingin ako sa kanila.

' Kayo na talaga ? '- tanong ni Hoshi kaya napatango ako.

' NI JOSHUA HYUNG ?! '

Hindi naman sila OA nyan ?

Tumango ulit ako.

' OHMYGAWD ! '- sabi nila tapos bigla nila akong niyakap.

Okay ? Nabading na ba sila ng tuluyan ?

' Sabi na nga ba eh ! Dyan din ang hantong nyang fake relationship nyo ! '- sabi ni Seungkwan.

' Alam mo kase Noona, ganito yan .. '- sabi ni DK kaya napatingin ako sa kanya.

' Umpisa palang ng pagiging PA mo, nahalata na naming may gusto sayo si Joshua hyung. Kahit na alam naming gusto mo si Vernon, mas boto kami kay Joshua hyung kaya pinlano namin to. Kunwari tinutulungan ka namin kay Vernon pero ang totoo, pinaglalapit namin kayo ni Joshua hyung '- sabi ni Seungkwan.

MILK / seventeenOù les histoires vivent. Découvrez maintenant