034

2.8K 131 150
                                    

' Ha ? Diba si Vernon hyung yung boyfriend mo ? '

--

Milk's POV

' Joshua ! '- sabi ko tapos hinila ko yung kumot na nakataklob sa kanya.

' Ano ba kasi yon ? '- tanong nya pero nakapikit padin.

Ang husky nung boses nya nakaka-inlab. Joke.

' Nagugutom ako ! '- sabi ko sa kanya.

' Edi kumain ka '- sabi nya tapos nagtalukbong ulit ng kumot.

Napakamot ako ng ulo.

Madaling araw na at eto, binubulabog ko si tokwa kasi nakaramdam ako ng gutom.

Eh ayaw nya naman akong pansinin !

' Joshua bilis na ! '- sabi ko sabay yugyog sa kanya.

Hindi sya umimik. Juice colored.

Napangiti ako ng may maisip akong bright idea. Alam ko na kahinan ng tahong na to.

Yumakap ako sa kanya tapos hinalikan ko sya sa pisngi. Nakita kong napangiti sya tapos dinilat nya yung mata nya.

' Anong gusto mo ? Drive thru tayo ? '- tanong nya.

Sabi sa inyo eh.

' Dapat pala palagi na akong magpa-hard to get para may kiss din ako palagi '- sabi nya kaya pinitik ko sya sa noo.

' Ang landi mo talaga '- sabi ko.

Bumangon na kami parehas at nagsuot ng hoodie. Malamig eh.

Sumakay kami dun sa van ng Seventeen at nag-drive papunta sa pinakamalapit na drive thru branch ng McDo.

Laking pasasalamat ko nang makita kong lalaki yung crew. Ayoko nang maulit yung nangyari sa ice cream parlor juice ko.

' Anong gusto mo ? '- tanong ni Joshua sakin.

' Burger, fries, sundae '- sagot ko.

' Takaw mo '- sabi nya.

Nang makuha na namin yung order, nagbayad sya tapos umuwi na kami.

Papasok na sana ako ng apartment kaso pinigilan nya ako.

' Sa bubong tayo '- sabi nya kaya sumunod ako sa kanya tapos naupo kami dun sa paborito naming pwesto doon.

' Ang gwapo ko talaga no ? '- sabi nya habang kumakain ng french fries.

' Oo nga eh. Ang tangkad din ni Woozi '- sabi ko.

Tinaasan nya ako ng kilay.

' Gwapo talaga ako '- sabi nya.

' Oo nga. Tapos ang puti ni Mingyu '- sabi ko.

Pinitik nya ako sa noo. Sadista neto.

Pero gwapo naman talaga sya. Gusto ko lang syang asarin.

' Oy anong ginagawa mo ? '- tanong nya sakin.

' Nilalagyan ng french fries yung loob ng burger. Duh '- sabi ko habang ayun nga, nilalagyan ng fries yung burger.

' Anong lasa nyan ? '- tanong nya.

' Edi lasang burger na may fries sa loob ! Utak naman Jisoo '- sabi ko.

Nakatitig lang sya sakin habang kumakain.

' Try mo kaya '- sabi ko sa kanya.

Mukhang naguguluhan padin sya sakin pero tinry din naman nya. OA neto. Ganun lang din naman lasa. With fries nga lang.

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now