029

2.9K 157 161
                                    

' Joshua I'm sorry. Mahal din naman kita pero kasi hindi talaga pwede .. '

--

Milk's POV

[Now playing: When I Grow Up by Woozi este Seventeen pala]

Nandito kami sa Pledis. Ewan ko ba. Sabi kasi nung Manager Noona nila magpunta daw sila dito. Di ko naman alam kung para saan.

Wala din naman silang ginagawa. Puro nakatutok lang sa mga cellphone nila at nakahilata sa practice room.

Nakaupo lang din ako dito sa isang sulok at pinapanood sila habang kumakain ng lollipop.

Nakaupo malapit sakin si Joshua kaya medyo naiilang ako. Sya lang yung bukod tanging walang hawak na cellphone. Nakatitig lang sya kay Jeonghan na nasa kabilang dulo ng practice room.

Dahil tahimik naman ang paligid at mukhang wala silang pakialam, gagamitin ko na tong sitwasyon na to para kausapin sya.

' Uy Joshua '- pagtawag ko sa kanya.

Hindi nya ako pinansin.

Ano ba kasing problema nya ?

' Okay ka lang ? '- tanong ko.

Hindi nya ulit ako pinansin.

' Ay oo Milk. Ayos lang ako '- sabi ko sa sarili ko.

Mukha na kong tanga dito. Bakit ba kasi ayaw nya kong pansinin ?

Tiningnan nya lang ako tapos inirapan.

Napayuko ako.

Lumabas sya ng practice room kaya sinundan ko sya.

Nakita ko syang sumakay ng elevator kaya sumakay din ako.

Kaming dalawa lang yung tao sa loob. Sobrang awkward tuloy.

Pero hindi talaga ko titigil hangga't hindi kami nagbabati nayong araw.

' Joshua galit ka ba sakin ? '- tanong ko sa kanya.

Kahit na wala naman akong naaalala na ginawa ko para magalit sya, nagtanong pa din ako just in case.

Pero hindi nya na naman ako pinansin.

Argh.

Nagulat ako nang biglang namatay yung ilaw at tumigil sa pagbaba yung elevator.

Nawalan pa ng kuryente. Nice.

Ano ba naman tong Pledis. Generator na nga lang hindi pa makabili ?

Naupo nalang ako sa sahig tapos pinikit ko yung mata ko.

Hindi ko talaga alam kung bakit ayaw akong pansinin ng tokwa na to.

Ang hirap sa part ko. Wala na kong mahampas. Wala na akong masabunutan. Baka bigla nalang akong mabaliw.

Scratch that.

Ganito talaga.

Wala na saking nagte-text ng mga walang kwentang bagay.

Wala na saking tumatawag na babs.

Wala nang nakikitulog sa apartment ko.

Wala nang nang-aasar sakin na mataba.

Kahit na isang linggo palang nya kong di pinapansin pakiramdam ko ang tagal na.

Nasanay talaga akong nandito lang sya sa tabi ko.

Napadilat ako nang makaramdam ako ng presensya sa tabi ko. Nakita ko syang nakaupo din at nakatingin sakin.

' Soonbyul, bakit ganito ? '

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now