030

2.7K 129 36
                                    

' Kapag tayo na, pangako, wala nang pwedeng manakit sayo '

--

Third Person's POV

' Malandi ka ! Nung una may nag-leak na picture nyo ni Hoshi, Seungkwan at DK sa Namsan ! '

' Sunod naman kasama mo yung buong Hip Hop Unit ! Tapos ngayon si Joshua naman ?! '

' Balak mo ba silang lahatin ?! '

' Sino ka ba sa buhay nila ? Bakit ba palagi mo silang kasama ? '

' Wag ka nang dumikit sa kanila ! '

' Ang landi mo ! '

Napabangon si Joshua sa pagkakahiga nya at napahawak sa dibdib nya.

Si Jeonghan naman na katabi nyang matulog ay naalimpungatan sa paggalaw ni Joshua kaya napabangon din ito.

' Huy ayos ka lang ? '- tanong ni Jeonghan kay Joshua.

Tumango lang si Joshua.

' Ayos lang ako hyung. Matulog ka na ulit '- sabi nya kay Jeonghan.

Nang makatulog na ulit si Jeonghan, naisipan nyang puntahan si Milk kaso baka natutulog na yun at ayaw nyang makaistorbo.

Humiga nalang ulit sya at sinubukang matulog ulit kaso tuwing pipikit sya, naalala nya yung napanaginipan nyang kinukuyog ng mga sasaeng fans si Milk.

Si Milk naman sa panaginip nya ay nakaupo lang sa lapag at nakasandal sa pader habang umiiyak at hindi gumaganti sa lahat ng ginagawa sa kanya.

Napatayo ulit sya sa pagkakahiga nya at dumeretso palabas ng dorm nila para magpunta sa apartment ni Milk.

Bubuksan na sana nya yung pinto pero napatigil sya nang may marinig syang humihikbi sa loob ng apartment.

' Soonbyul '- sabi nya habang kumakatok.

Tumigil yung hikbing naririnig nya tapos maya-maya pa ay bumukas na yung pinto.

' J-Joshua ! Gabi na ah ? Bat nandito ka ? '- nakangiting tanong ni Milk kay Joshua.

Napakunot ang noo ni Joshua. Hinawakan nya yung pisngi ni Milk dahilan para magulat sya.

' Umiyak ka ba ? '- tanong nya kay Milk.

Tumango si Milk sa tanong ni Joshua.

' Nanonood kasi ako ng movie sa phone ko '- sabi ni Milk.

May part kay Joshua na ayaw maniwala sa sinasabi ni Milk pero mukhang hindi naman talaga sya nagsisinungaling kaya naniwala nalang sya.

' So bakit ka nga nandito ? '- tanong ulit ni Milk.

' Ah makikitulog sana. Pwede ba ? '

Napangiti si Milk sa sinabi ni Joshua.

' Oo naman '- nakangiting sagot nya.

Naupo si Joshua sa kama ni Milk habang nakaharap naman sa salamin si Milk at nagsusuklay.

Napangiti si Joshua habang pinagmamasdan si Milk. Nakasuot ulit kasi sya ng malaking t-shirt gaya ng nakasayan nya kasi nga komportable.

Ang payat-payat tas ang laki ng t-shirt.

Pero hindi lang yung damit ni Milk ang napansin nya.

' Napaano yang sugat mo sa kaliwang braso ? '- tanong ni Joshua kay Milk.

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now