053

2.4K 130 81
                                    

' Muntikan na nga tayong tagain ng white lady tapos nakuha nyo pang maglandian ! '

--

Milk's POV

Nasa apartment ako kasama si Joshua kasi tinutulungan nya akong mag-impake ng mga dadalhin bukas sa bakasyon nila.

Hindi naman talaga dapat ako kasama sa kanila kaso pinilit nila si Manager Yumi.

May isa din pala akong na-realize.

Naalala nyo si Bianca ? Yung stylist nila ? Kaya pala sya pamilyar kasi sya yung kasama ni Joshua dun sa background ng selfie ng Meanie tsaka ni Hoshi. Yung pinakita nila sakin dati ?

Kaya pala medyo hindi maganda yung pakiramdam ko sa kanya.

' Joshua .. '- pagtawag ko sa kanya kaya natigil sya sa pagtitiklop ng damit at napatingin sakin.

' Close ba kayo ni Bianca ? Ano kase .. naalala ko dati bago mangyari yung aksidente, may pinakita saking picture sila Hoshi. Nahagip kayo sa background at .. '- hindi ko na maituloy yung sasabihin ko kasi nahihiya ako.

Ngumiti naman sya at kinuha yung kamay ko.

' Sorry Soonbyul. Inaamin ko nung mga panahong nagalit ako sayo, humanap ako ng distraction para hindi kita gaanong maisip. Kaya sorry kung sa paningin mo mali yung ginagawa namin ni Bianca noon '- sabi nya.

Ngumiti nalang din ako tsaka tumango.

At least ngayon, alam na namin yung side ng bawat isa.

Unti-unti nang nababawasan ang problema ko.

Pero sa tingin ko may paparating pa.

' Joshua, sa tingin mo ba magandang ideya tong bakasyon na to ? '- tanong ko sa kanya.

' Oo naman. Para makapag-relax naman tayo. Bakit, may problema ba ? '- tanong nya.

Umiling nalang ako. Napa-paranoid lang siguro ako.

Nag-vibrate yung phone ko kaya napatingin ako dun. May nag-text pala.

From: Unknown

She begged, he fought
She cried, he died

Hindi ko alam kung bakit pero kinilabutan ako nang mabasa ko yung text

Sino naman to ?

Tss. Wrong number lang siguro.

' Sinong nag-text ? '- tanong sakin ni Joshua.

' A-Ah wala. Load balance lang '- sabi ko.

Napatango nalang sya habang sinasara yung bagahe ko.

' Nakapag-impake ka na ba ng sayo ? '- tanong ko sa kanya.

' Kahapon pa. Excited kasi ako '- sabi nya.

Buti pa sya excited. Hay.

Nakarinig kami ng katok sa pinto kaya napatingin kami dun.

' Jisoo ! Tulungan mo akong mag-impake ! '

Kahit kailan hindi ko naisip na pwede palang manira ng moment si Jeonghan.

' Secret lang natin to ah .. '- sabi ni Joshua kaya napatingin ako sa kanya.

' .. crush ako ni Jeonghan '- bulong nya.

Sinamaan ko sya ng tingin.

' So ipagpapalit mo na ako sa kanya ganun ? '- tanong ko.

' Jisoo ! '

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now