Ikasiyam na Kabanata: Ang Huling Binukot

2.9K 70 13
                                    

Lumabas ang isang dalaga na nakadamit prayle mula sa pagkakatago nito sa kakahuyan. Natagpuan nito ang mga wala nang buhay na katawan nina Noel na dalaketnon at ni Kapra na tahamaling. Umiling na lamang ito at inapakan ang mga wala nang buhay na katawan. Sinipa pa niya patungo sa butas ng kanal ang pugot na ulo ng tahamaling. "Mga basura! Wala kayong mga pakinabang," dagdag nito. Pumikit ang dalaga sabay sambit ng isang orasyon.

"Lakan ng hindi natitinag na pag-intindi.... Bumangon at dinggin ang aking tinig... Iyong yanigin ang kalupaan.... Paghihirap ay bigyang katapusan! Halina, Batungbayanahin!"

Sinundan ito ng pagpadyak ng dalaga sa lupa. Biglang nabiyak ang lupa na pinaglagyan ng dalawang patay na katawan at nilamon ang mga ito. Sinundan naman ito ng isang lindol at winasak ang kung ano pang natira sa kaawa-awang hotel. Sumipol ito ng malakas kasabay ng paglabas ng isang naaagnas na kamay sa ilalim ng lupa. Umahon ang nabubulok na katawan at umalingasaw ang kabahuan nito.

"Ikaw na ang bahala dito. Igawa mo ako ng isang bangkay na kamukha nitong lalaking ito, " sabay abot ng larawan ng isang matandang lalaki. "Huwag kang mag-alala balbal, bibigyan kita ng totoong bangkay, ibigay mo lang sa akin ang aking gusto," dagdag pa ng dalaga.

"Opo, mahal na babaylan," masunuring sagot ng balbal. Pumunta ito sa kakahuyan at nakakita ng puno ng saging. Binunot niya ito at inihiga sa lugar na itinuro ng babaeng babaylan. Hinimas nito ang puno mula itaas pababa.

Makalipas ang ilang sandali, naging kamukha nito ang matandang nakita nito sa larawan.

"Magaling!" sambit ng babae sabay yuko upang dumkot ng lupa na sinaboy nito sa ere at nabuo bilang isang kabaong. "Nasa loob ang iyong gantimpala," wika niya, sabay alis patungo sa kagubatan na kapag deretso lamang nilakad ay papunta sa bansa ng Minolo. "If you want to get the work done, you better do it yourself...."

Nilapitan ng balbal ang kabaong at binukas ito. Laman nito ang mga katawan nina Noel at Kapra. Masaya namang nilamon ng engkanto ang mga bangkay na kanyang nakita habang hinihila ang mga ito papunta sa hukay na kanyang pinanggalingan.

"Breaking News. Natagpuan ang isang walang-buhay na matandang lalaki na nagngangalang Anastacio Esmelar sa isang nagibang hotel malapit sa border ng Syaka at Minolo. Ayon sa mga kinauukulan, ang sanhi ng kamatayan ng matanda ay ang pagkakalibing nito ng buhay mula sa nagibang gusali dahil sa magnitude 7.5 earthquake na isolated o naganap lamang sa naturang lugar. Lumabas din na...."

"Zzzzt!" tunog na telebisyon matapos itong i-off ni Venus, sabay bato ng remote control sa sofa. "Ang bilis kumilos ng Baybayin, napagtakpan nila kaagad ang mga naganap kanina. Malinis talaga silang magtrabaho. Sigurado ako tumawag sila ng balbal para gumawa ng pekeng bangkay ni Lolo T. They make it look as if it was just an accident!" dagdag pa nito, sabay titig sa binatang pilit kumakalag mula sa pagkakatali sa poste ng silid: si Rosendo. Nilapitan ito ni Venus at halos idikit ang kanyang mukha sa binata na halos isang pulgada na lamang ang layo mula sa labi ng hindi makawala na bihag.

Nilinis muna ni Venus ang kanyang lalamunan bago nagsalita. "Alam mo, pogi ka sana eh, kaso, NAPAKASAMA MONG NILALANG NG DIYOS! Imagine, you tried to kill my BFF That's sooo unforgivable!" Tinitigan pa ng dalagang pintados ang singkit na mata ni Rosendo sabay baling sa matangos nitong ilong. Moreno si Rosendo, may katamtamang pangangatawan at matangkad. Napalunok na lamang siya, tumalikod sabay sabi sa sarili, "Lord! Sorry! Pero hindi ko po talaga kayang magsungit sa isang hottie! OMG, options, options, options! Si Sid (as in for Sidapa, ang "pet name" niya sa lakan ng kawalan at kawakasan) or itong si Chinito Rosy," sabay ngiti na may halong kilig at pikit habang naglalakad ito palabas ng silid.

Sa kanyang pagkakapikit ay bumangga tuloy siya sa kanto ng pintuan. Umasta na lamang si Venus na tila walang nangyari at nag-graceful exit sa eksena niya.

DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon