Ikalabing-pitong Kabanata: Tugo at Nabir

2.7K 64 22
                                    

Inaalay ko po ang bago kong kabanata sa bago kong nakilala sa Wattpad; si @blackVelvetmartini. Salamat sa suporta at sa lahat ng mambabasa! Akalain ninyo, umabot tayo ng 1k reads at 17 chapters! Patuloy po sana nating tangkilin ang lahat ng Phil. His-Fic Writers sa Wattpad :-)

----

            “Okay, class dismissed! Well done! Kagaya ng dati, ang husay ninyo pa ding lahat tumugtog. You are members of the Bamboo Whisper Society, the musical pride of our school. Don’t let everyone down sa paligsahan bukas, okay?

            “Yes ma’am!”

            Pakoro sumagot ang mga naliligalig na mga estudyanteng kinakabahan at nae-excite para sa inter-university traditional music competition sa Nyebes. Ang iba ay pinupunasan ang kanilang lantoy, ang plauta na yari sa buho ng kawayan. Ang iba naman ay tinitignan kung mayroong lamat ang kanilang mga tongatong, isang instrumentong yari sa kawayan na pinapatunog sa pamamagitan ng pagpalo dito sa sahig. Ang iba naman ay hinahampas ang kanilang mga bantula, mga tambol na yari sa kawayan. Taglamig na sa Nyebes at maaring makasira ng mga instrumento ang tubig na mamumuno mula sa lamig.

            Mayroong isang babaeng tinotono ang kanyang nabir, ang biyulin na yari sa kawayan. Mayroon itong tatlong string na yari sa balat ng abaka maging ang bow na ginagamit upang patunugin ito. Isa. Dalawa. Tatlo. Matapos huminga ng malalim, tinugtog niya ang kanyang instrumento.

            Katahimikan. Mistulang napipi ang lahat ng tunog sa silid. Tanging ang nakakaginhawang tinig ng nabir ang bumalot sa kapaligiran. Kung maari lang sumabay ang ibang instrumento ay ginawa na ng mga musikero subalit sa takot na masira nila ang nakakabighaning musikang kanilang nadidinig ay minabuti na lamang nilang manahimik.

            “Sarry, kain tayo,” yaya ng isang babaeng may bitbit na tugo, isang gitarang yari sa balat ng abaka at kawayan. Natatakpan ng kanyang buhok na hanggang dibdib niya ang kanyang name tag: Urduja Datinguinoo. Katamtaman ang tangkad ng dalaga na katamtamang kaputian din ang balat ngunit mas maputi pa din sa kanya ang kanyang kaibigan. Iniabot niya ang kanyang kamay kay Sarry at malugod naman itong tinanggap ng kaibigan

            Kalungkutan. Kung nakakamatay lamang ang titig ay napaslang na si Urduja.

            “Tara, libre mo ako ah,” sagot naman ni Sarry na maingat na nilagay sa lalagyan niya ang kanyang nabir matapos tumayo. Inipit muna niya ang kanyang mahaba at maitim na buhok gamit ang isang ornamentong yari sa kabibe. Medyo makapal ang kanyang buhok kaya’t may katagalan ang kanyang pag-aayos. Nakuha pa niyang mag-pulbos kahit na maputi na ang kanyang kutis. Sa pamamagitan ng kanyang magandang ngiti ay natatabunan nito ang kanyang mga mata na sa unang tingin ay mapagkakamalang mong mga mata ng suplada. Nagsuot siya ng napakahabang dilaw na jacket na natakpan ang kanyang puting blusa at asul na paldang hanggang tuhod.

            “Nakakahiya ka naman, Sarry. 19 ka na, para ka pa ding bata magdamit. Kaya wala kang love life eh,” patudyong asar ni Urduja na may kasama pang malanding tulak sa kaibigan.

            “Ewan ko sa iyo, Duja, walang basagan ng trip. ‘Wag mo akong intrigahin sa love life ko. Binabago mo na naman ang usapan. Dapat ikaw ang manlibre; birthday mo kaya ngayon! Kumusta ang sweet sixteen?” ganti naman ni Sarry sa makulit na kaibigan.

            “Ito, nganga!” na sinundan pa ng isang malaking pagnganga ni Duja. “Paano ba naman kasi, pinapauwi ako ng maaga ni auntie. Ibibitin daw niya ako patiwarik kapag ala-sais na at wala pa ako sa bahay.Bukas pa birthday ko; ikaw nga dapat manlibre ‘kaw ang celebrant!

DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon