Sesenta y Tres: Kataw, Berkakan at Berberoka

1.1K 40 11
                                    

Hiya guys! Happy 75k reads sa ating lahat! Medyo mabilis ang aking pacing sa pag-update ngayon, kaya lubos ko talagang ikakatuwa kung mag-iiwan kayo ng komento na maaring makatulong sa akin upang mas mapaganda ko pa ang Dayanghirang.

Kagaya ng aking pangako, ito ang update na para sa iyo kabsat @midnightScriber, hope you like it! Salamat sa support ninyong lahat!

-Kuya Lawrence =)

----

Binasag ng isang malakas na langitngit ng kidlat ang katahimikan sa Minolo. Matapos itong marinig, dali-daling lumipad si Saavedra sa tore kung saan tumama ang malaking liwanag at doon ay nakita ng kalihim sina Lilagretha, Zenaida, Selena, Simeon, Jamil at Sarry.

“Ra-ra-rani! Napaaga po ang—” at hindi na natapos pa ni Saavedra ang nais niyang sabihin sapagkat mabilis siyang inawat ni Lilagretha.

Saavedra, I’m calling an emergency meeting right now. Tawagin ninyo ang mga prinsesa ng Calamian maging na rin si Orasyones Zita. Kung kinakailangan ninyo gamitin ang aking mga temporyal ay gawin ninyo.” pahayag ni Lilagretha. Matulin na naglakad ang rani palabas ng tore. Ginabayan niya sa bawat pihit at liko ng palasyo ang kanyang mga bisita upang makarating sila sa silid kung saan magaganap ang kanilang pagpupulong. Bago niya buksan ang pinto, nakadama siya ng kakatwang presensya sa paligid. Mabilis siyang lumapit kay Sarry at bago pa man magsalita ang rani ay inunahan na siya ng prinsesa.

“Patawad po, rani. Nais ko po sanang sabihin kanina ngunit mabilis po ang mga pangyayari. Nakipagpalitan po sa akin si Prinsesa Bidasari at sakto siyang sumabay sa grupo ng dayanghirang noong ginamit na ninyo ang kapangyarihan ninyo.” paliwanag naman ni Nitto na biglang nagbago ng anyo pabalik sa orihinal niyang hitsura.

Nagngitngit ang mga mata ni Lilagretha sa sinabi sa kanya ni Nitto. Nagkaskasan ang kanyang ngipin at nanginig ang kanyang kalamnan sa sobrang galit. Napasigaw ng malakas ang rani, kasabay ng marami at maingay na pagkaluskos ng kidlat sa kalangitan. “BIDASARIII!”

----

            Celebes: ang nagunaw na kaharian. Bakas mula sa samyo ng hangin ang alat na mula sa karagatan. Ang nakakabighaning tanawin ng bukang-liwayway sa dalampasigan ang unang nasaksihan nina Haliya, Rosendo, Venus at Sarry. Sarry? Anong ginagawa niya dito?! Hindi ba dapat ay nasa Minolo siya?

            “Paano mo… Bakit ka nandito?” nagtatakang tanong ni Haliya sa prinsesang Indrapura. Lubos na ikinagulat ng dayanghirang na sumama sa kanila ang anak ni Lilagretha.

            “Inutusan ko si Nitto, ang aking inlablabbuot. Ginaya niya ang aking anyo at nagtago ako sa kakahuyan. Noong papunta na kayo sa Celebes, iyon ang nakita kong pagkakataon upang sumama sa inyo.” paliwanag naman ni Sarry sa tanong ni Haliya.

            “Hindi namin tinatanong kung paano ka nakasama sa amin. Ang nais naming malaman ay bakit ka sumama sa amin.” naiinis namang tanong ni Rosendo sa kapatid ni Jamil.

            “Hmmm… Tignan natin…” mapag-anyayang sambit ni Sarry habang malambing at pahalina siyang lumapit kay Rosendo. Bago pa man niya magawang yapusin ang mukha ng binatang babaylan, mabilis namang siyang  pinigilan ni Venus.

            “Hands off! Akin ‘to! galit na awat ni Venus kay Sarry. Hindi pa nakuntento ang dalagang pintados sa pagtaboy lang; niyakap niya pa si Rosendo nang sobrang higpit, na tila isang paboritong laruan na aagawin mula sa kanyang mga kamay.

            “Could you PLEASE stop fighting over me? I’m not even the topic of this discussion in the first place!” apela naman ni Rosendo sa sitwasyong kanyang kinaipitan. Hindi man niya kasalanan na lubos siyang pinagpala sa kanyang pangangatawan at mukha, napapagod na din ang binatang babaylan sapagkat madalas itong tampulan ng sigalot.

DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon