Ikalabing-dalawang Kabanata: Lihim ng Liham

2.7K 66 21
                                    

Inaalay ko po ang kabanata na iyo sa bago kong reader na si jLafge :-)         

---------

   Biglang sumakit ang ulo ni Melinda habang naglalakad ito pabalik sa kapitolyo ng Syaka. Nabatid niya na may “tumatawag” sa kanya. “F$cked up bastards. Hindi ba nila alam gumamit ng cell phone? This is the 21st century yet they prefer talking in this sadistic way,” sambit ni Melinda sa kanyang sarili habang nakahawak sa kanyang ulo. “Pumasok ka na po.”

            Matapos niyang magbigay permiso sa hangin ay bigla siyang nakarinig ng tinig sa loob ng kanyang isip; tinig ito ng isang matandang babae na naiinis at nagagalit.

            “Melinda, wala pa din kaming nakukuhang magandang balita mula sa iyo. Nasaan na ang dayanghirang?”

            “Paumahin po, naunahan po tayo ng mga pintados sa pamumuno ni Apo Isay Dalisay. Nahatid na po nila ang dayanghirang sa Minolo. Sa kasalukuyan po ay--”

            “ANO! PIGILAN MO ANG PAGLAPIT NG DAYANGHIRANG SA ANINO NG MAGKAPATID NA LAKAN NG HANGIN AT KIDLAT!”

            “Opo, masusunod po.”

            Matapos ang utos ng matanda ay nakarinig siya ng isang mahaba at natinis na tunog. Senyales ito ng pagwawakas ng pakikipag-usap niya.

            “Old geezers…. They still prefer talking via telepathy rather than using the f$cking cell phone.” Himutok naman ni Melinda sa kanyang sarili habang naglalakad patungo sa mansyon niyang walang pintuan o gate. Hinawakan niya ang pader at bumukas ito at sumara muli noong nakapasok na siya sa loob.

            “Ano po ang ipag-uutos ninyo sa akin, Heneral Melinda?” tanong ng isang matandang lalaki na may nakasaksak na limang espada sa katawan niya. Nakasuot ito ng puting damit. Isang kaperoso ang matanda, isang lalaking kaperosa.

            “Satsat, ipaghanda mo ako ng temporyal papuntang Minolo,” sagot naman ni Melinda na dere-deretso sa kanyang tahanan.

            Nagtungo ang kaperoso sa bulwagan ng tahanan at isa-isang hinugot mula sa kanyang katawan ang mga espada at pinorma itong hugis bituin sa sahig; isang rito ng paggawa ng temporyal.

------

            Nakanguso si Venus sa harapan ni Rosendo habang tinatakpan niya ang pinto. “Hindi ba talaga tayo pwedeng magtabi sa kama, Rosy?” tanong ng dalagang pintados habang pinipilantik ang kanyang mga mata sa pag-asang mapapayag ang lalaking babaylan.

            “You should at least reserve your perversion to yourself. Huwag mo akong idamay sa kahalayan mo,” magsungit na sagot ni Rosendo sabay piga sa ulo ni Venus upang mahatak ang dalaga papalayo sa pinto at mabilis namang nagtago ang binata papasok sa loob ng silid upang makaiwas sa nakakatakot ng pagnanasa ng dalagang pintados sa lalaking babaylan.

            Matapos ng buntong-hininga ni Venus ay binaling naman niya ang kanyang pansin kay Iya subalit nabatid niya na nais munang mapag-isa ng kaibigan.

            “Iya, nasa kabilang kuwarto lang ako, sigaw ka lang kapag may kailangan ka sa akin ah,” paalam ni Venus sa kaibigan. Tumango naman si Iya sabay pasok sa kanyang silid. “Hay, sooo boring! Hindi ko man lang makatabi si Rosy tapos hindi ko pa malandi si Iya! Tsk, tsk!”

            Naupo si Haliya sa kama. Hindi siya makatulog. Sadyang napakabilis ng mga pangyayari. Nagbago ang buhay niya sa loob lamang ng isang gabi. Sa sobrang bigat ng kanyang dibdib ay bumigay ang katawan niya sa kanyang higaan.

DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon