Setenta y Tres: Namwaran

937 40 31
                                    

Yes! bukas na nag BIG DAY! Abangan ang malupit na season ender ng Book 1 ng Dayanghirang! Happy 98k reads sa ating lahat! Salamat sa lahat ng suporta ninyo; via reading, commenting, pointing out corrections, and simply being there. :) Total patapos naman na ako sa Book 1 ng Dayanghirang, baka pwede nang magparamdam ang mga silent readers ko. :P

I give out this update kay @angellene_lucky18! I hope you will all like it! :)

-Kuya Lawrence :)

----                                                                       

Sinalubong ang rani ng Minolo ng masigabong palakpakan at hiyawan noong lumabas siya sa asotea ng palasyo. Kumakaway siya sa lahat ng tao na naroroon upang ipagdiwang ang Namwaran, ang inaabangang pista sa kanilang bansa. Sa kanyang likod ay nakatayo si Sarry na lubhang mapula ang mga pisngi at kubli naman ng kadiliman sa likod ng kurtina ng lagusan sa balkod si Jamil. Nagunita ng dalawang Indrapura ang kanilang pakikipag-usap sa kanilang ina.

“Nais kong manatili kayong dalawa dito sa Minolo upang panatilihin ang kurtinang kidlat na nagtatanggol sa ating bansa.” umpisa ni Lilagretha na lubhang seryoso ang mga mata habang nakatitig sa kanyang mga anak.

“Pero bakit po ngayon, ina kong rani? Kailangan po kayo ng Minolo. Kung pupunta po kayo sa Namayan wala din namang tiyak na kasagutan kung mabibigyan lunas kayo ng mga man-ga-gas ng Kanluraning Parang!” petisyon ni Jamil sa kanyang ina sa pag-asang mababago niya ang isip nito.

“Sunod sa mga mananambal ng Calamian, ang mga man-ga-gas ng Namayan ay mga pantas sa panggagamot. Naidulog ko na kay Laguna Tresmaria ang iniinda kong karamdaman. Hindi na niya ito malalapatan pa ng lunas. Kung nais nating labanan ng buong-lakas ang Konseho, kailangang mapawi ang sumpang nailapat sa aking katawan ng halimaw.” pagtatapos ng rani sa kanyang pahayag habang nakatingin siya kay Sarry. Gustong maging maingat ni Lilagretha sa kanyang gagamiting mga salita ngunit inunahan na siya ng prinsesang Indrapura na huwag nang mag-abala pa.

“Hindi mo na kailangan pang suriing mabuti ang iyong sasabihin, aking ina. Ako naman ang siyang dahilan kung bakit mo kinulong ang Hantu Ribut sa iyong katawan. Lubhang nabawasan ang iyong kapangyarihan dahil sa paghawla mo sa halimaw na aking pinakawalan sa palasyo noon. Isa pa, kung hindi dahil sa akin, buhay pa sana ang dating hari ng Minolo.” mapangahas na bulalas ni Sarry habang nakikipagtitigan sa kanyang ina.

“Sarry, hindi iyan ang tamang paraan—” at hindi natapos ni Jamil ang nais niyang sabihin sapagkat inawat siya ng kanyang kapatid.

“Hindi ka ba nasusuklam sa ating ina? Siya ang dahilan kung bakit ka nabubuhay sa kadiliman! Hindi alam ng buong Minolo na buhay si Prinsepe Jamil! Humihinga ka lang bilang isang anino na hahalili sa kahit sino sa aming dalawa kung may wala sa amin! Masaya ka ba sa kapalaran mo, kuya?!” galit na protesta ni Sarry sa kanyang kapatid.

Hindi sinasadya ni Jamil na masampal ang kanyang kapatid sa sobrang galit niya dito. Namugto ang mga luha sa kanyang mga mata ngunit napigilan niya ang kanyang pagtangis mula sa pagpatak nito. “Hindi alam ng mga tao na buhay ako, ngunit alam ng Minolo kung ano ang ganiwa ko para sa kanya. Ikaw? Hanggang kailan mo ba tatakasan ang iyong obligasyon bilang isang Indrapura? Bilang isang prinsesa ng Minolo! When will you stop being so selfish, Bidasari! Hanggang ngayon ba, hindi mo pa din maintindihan, walang may kagustuhan sa naganap sa ating lahat noon, aksidente lamang iyon!”

“Hindi…” habang hawak ni Sarr­­y ang kanyang pisngi nasaktan ni Jamil. “Hangga’t hindi ko nakikita ang kapatawaran, hindi mawawaglit sa aking puso’t isipan ang aking nagawa.”

DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon