Trenta y Uno: Loos Klagan

2.5K 61 28
                                    

Ang galing! 7k na ang reads ng Dayanghirang! Salamat! Kahit masama ang pakiramdam ko ay pinilit kong mag-update dahil nangako ako sa aking sarili na hindi dapat ako lalagpas ng isang linggo na hindi nagpo-post ng bagong kabanata. Sana maibigan ninyo ang aking handog na New Year gift. Enjoy! Inaalay ko ang bago kong kabanata kay 88season_lovers88. Naantig ang puso ko sa sinabi mo na tinapos mo ang 30 chapters ko in two days! Sino ako para mag-feeling sakitin knowing that there are readers anxiously waiting for the next installment? Kaya sana maibigan ninyo. Patuloy po sana ninyo akong suportahan at salamat!

----

            “Paumanhin, subalit magmula noong nagdeklara ng batas-militar ang Republika ng Calamian ay hindi na pinahihintulutan ang lahat ng mga sasakyan na pumasok at lumabas mula sa bansang iyon,” pagod at pag-uulit muli na paliwanag ng kaawa-awang matandang lalaki sa nagwawalang babae na makailang-ulit nang nangungulit namimili ng tiket sa isang lugar na bawal nang puntahan ng kahit anong sasakyan.

            Hinambalos ng nagngingitngit na kamay ni Selina ang lamesa ng nagbebenta ng tiket sa terminal ng Tawalisi. Kumakalansing sa himno ng galit ang kanyang mga porselas habang winawasiwas ng babaeng babaylan sa ere ang kanyang mga kamay. Simula noong nadiskaril ang kanilang tren dahil sa atake ng mga mananawal ay tumungo sa Estado ng Tawalisi ang kanilang sinasakyan.

            “Patawad po, manong,” mahiya-hiyang salmo ni Dr. Simeon sa matandang malapit nang maiyak sa napupoot at nanggagalaiting Selina. “Selina, ‘wag ka nang mag-eskandalo dito, nakakahiya ang daming tao,” bulong ng doktor sa pag-asang mapapakalma niya ang kasama niyang nagpupuyos sa galit.

            Ang terminal ay nahahati sa tatlong dibisyon: ang nagbebenta ng tiket sa bus at tren, sa barko at sa eroplano. Ang lahat ng mga nakapila sa naturang linya ay malagkit na nakatingin sa nag-aalburutong Selina. Fully air-conditioned ang terminal ngunit ang naglalagablab na emosyon ng babaeng babaylan ay nagpainit sa atmospera ng buong kapaligiran.

            Kung puwede lang maglaho agad-agad sa nakakahiyang sitwasyon na iyon ay ginawa na ni Simeon.

            Sa isang sulok ng terminal ay walang-ingay na kumakain sina Sarry at Duja. Hinahayaan na lamang nila ang dalawang matatanda nilang kasama na “maglaro” ng padamihan ng kahihiyan.

            “Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung para saan ito,” habang pinapakita ni Duja kay Sarry ang isang ipit na kulay uling. Natagpuan ito ng dalaga sa kanyang nakatutop na kamay matapos siyang lamunin ng apoy ni Lalahon habang nakikipagbuno sila sa mga aghoy at buringcantada.

            “Ang tawag sa hawak mo ay bertud. Isa ‘yang regalo mula sa lakambini mo,” umpisa ni Sarry. “May iba’t-ibang kapangyarihan ang mga bertud. Halimbawa,” sabay kulay sa kanyang nabir.

            Halos malaglag ang mata ni Duja sa rebelasyon ni Sarry. Ang ordinaryong instrumentong kawayan ni Sarry ay isa palang makapangyarihang bertud.

            “Sa iyo ko lang sasabihin ito ah. Ang nabir ko ay isang bertud na handog sa akin ni Kadaklan. Ito ay may kakayahang palitan ang lupa at gawin itong bakal na buhangin.”

            “Madami pa bang mga lakan at lakambini?”

            “Oo, labing-anim lahat-lahat ang mga lakan at lakambini: sina Lalahon ng apoy, si Amansinaya ng yelo, si Sfedat ng halaman, si Kadaklan ng bakal, si Galura ng hangin, si Kidu ng kidlat, si Mamiyo ng panghuhula, si Dian Masalanta ng pag-ibig, si Batungbayanahin ng lupa, si Sirinan ng tubig, si Alunsina ng isip, si Loos Klagan ng kagalingan, si Hanan ng liwanag, si Saragnayan ng dilim at si Lueve ng oras. Ang huli ay si Sidapa ng kamatayan, ang lakan ng dayanghirang.”

DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon