Ikalabing-siyam na Kabanata: Aghoy at Buringcantada

2.5K 59 24
                                    

Para sa iyo ito @DakilangMandirigma! :-) Patawad po at na-delay ako sa update; naging pre-occupied ako sa research sa ibang mythological creatures (lalo na sa mga description at hitsura nila) at pagsusulat ng advance chapters. Nagulat ako sa aking sarili dahil nauna ko pang matapos ang Chap 20 sa Chap 19. Toinks. Enjoy reading po and hoping for your critical and constructive comments. :-)

 ----

Mahigpit ang hawak ni Sarry kay Duja. Damang-dama niya na mayroong sumusunod sa kanila ng kanyang kaibigan na hindi nila nakikita.

            “Oi, hindi naman ako mawawala no, saka bakit ang higpit ng hawak mo sa akin, Sarry? Ayan lang ang bahay ko oh hawak-kamay ko na nga eh,” asar ni Duja habang nakaturo sa kanyang tahanan.

            Hindi pinansin ni Sarry ang apela ni Duja. Pumikit ang dalaga at nagsambit ng babala gamit ang kanyang isipan.

            “Kung sino ka man; lubayan mo ako at ang kaibigan ko…. Kung nais mo pang makita ang araw bukas, alam mo kung ano ang makakabuti sa iyo….”

            Lumamig ang kapaligiran. Taglamig na sa Nyebes subalit ang ginaw na nadama ni Duja ay hindi dahil sa simoy ng hangin kundi dahil sa kaba na dama ng katatakutan. “Naku, wala pa yatang tao sa bahay, Sarry. Samahan mo muna ako, puwease?”panlalambing naman na suyo ni Duja kay Sarry na wala din namang nagawa kundi pagbigyan ang kaibigan hindi dahil sa nakulitan ito. Hindi siya mapalagay kaya minarapat niya na pumasok din sa tahanan ni Duja upang ito ay bantayan at samahan.

            Dahan-dahang binukas ni Duja ang kanilang pinto. Laking gulat ng dalaga sa kanyang nakita. Nag-iba ang hitsura ng kanilang bahay! Nawala ang laman nito at naging gawa sa dahon at sanga ang loob nito. Biglang bumagsak ang pinto sa kanilang likuran at nakandado ito. Hindi ito mabukas nina Sarry at Duja kahit dalawa pa silang humahatak dito. Bawat hakbang ni Duja sa loob ng kanyang pamamahay ay sinasabayan ng pagbabago ng anyo ng lahat ng kanyang naapakan at nakikita. Nagiging punong-kahoy ang mga ito.

            “Anong nangyayari dito?” nagtataka at naguguluhang tanong ni Duja. “Sarry! Hindi ko nagugustuhan ang biro ni tita ah! AUNTIE LEENA! Sorry na ginabi kami ni Sarry ng uwi! Natatakot na ako…. THIS IS NOT FUNNY!

            Lubhang nabalisa si Sarry sa mga pangyayari na kanyang natutunghayan. Napabulalas siya sa kanyang sarili,“Na-engkanto kami…. Pero bakit ganito kalupit ang mga lamanlupa ngayon? Hindi sila ganito, maliban na lang kung….”

            “Duja, sixteen ka pa lang, hindi ba?” tanong ni Sarry sa kaibigan habang ginagala niya ang kanyang mata sa paligid ng bahay sa pag-asang makita ang engkantong nakikipaglaro sa kanila.

            “What kind of question is that? OO naman,” naiinis na sagot ni Duja kay Sarry na may kasama pang palo sa braso ng kaibigan. “TITA LEENA! HINDI NA PO AKO NATUTUWA AH! NATATAKOT NA AKO!” sigaw ng dalaga na may kasamang panginginig sa kanyang boses.

            “Imposible…. Walang Pangangalap na nagaganap. Labing-anim pa lang si Duja; wala pa siyang labing-walong taong gulang…. Pinaglalaruan lang ba kami? Pero, hindi eh. Madalas, kapag natuwa na ang isang engkanto sa pamamagitan ng pananakot sa kanyang binibiktima ay tumitigil na ito…. Pero, bakit hindi pa sila humihinto? Kinakabahan ako…. Madami akong nararamdamang presensya sa silid na ito. Hindi lamang sampu ang engkantong naririto; sa loob at sa labas ng bahay na ito. Mahihirapan akong gamitin ang kapangyarihan ko; walang bakal at hindi ko dala ang nabir ko…. Worse comes to worst; itong mga barya sa bulsa ko ang mga magiging sandata ko….” ito nasambit ni Sarry sa kanyang sarili. May kaunting kakayahan na siya sa paggamit ng kanyang kapangyarihan subalit hindi pa sapat ang kanyang kasanayan upang makipaglaban sa madaming engkanto.

DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon