Trente y Nuwebe: Ang Banwa

2K 50 42
                                    

Wow, 18k na ang reads ni Dayanghirang! Salamat po sa suporta ninyong lahat! Sana huwag kayong manawang mabigay ng suporta at mga komento sa akin upang mas mapaganda ko pa ang aking akda.

Medyo masaya ako ngayon dahil sa wakas, nabuo ko din lahat ng mga lakan at lakambini kasama ang kani-kanilang mga ka-kasunduan! Achievement kasi akala ko hindi ko magagawa pero posible pala. I was able to pull it off because of everyone's help and support. Isa pang ipagpapasalamat ko ay sa kabanatang ito makikilala na ninyo ang siyam na miyembro ng Konseho, kasama na din ang kanilang pinuno, ang pinuno ng Baybayin, ang Banwa.

Inaalay ko ito sa paru-parong na-miss ko, si @blackVelvetmartini. Medyo cheesy lang, kaso long time no talk tayo eh (mga kagabi ang last na pag-uusap natin, hehe).

Tama na nga ang mga pagdadaldal ko, ito na ang update. Sana po maibigan ninyo!

-Kuya Lawrence

----

            Unti-unting bumabalik ang diwa ni Urduja. Hinagkan ng malamig na yelo ang kanyang katawan. Mula pa lamang sa malamig na simoy ng hangin na dumampi sa kanyang pisngi ay alam na niya kung nasaan siya; sa Nyebes.  Nais man niyang igalaw ang kanyang katawan, tila naging baldado ang dalaga. Sa hindi kalayuan ay may naririnig siyang mga boses. Gustuhin man ng dalaga na ibukas ang kanyang mga mata, mahigpit ang pagkakasara ang mga ito.

            “Galang Kaluluwa.”

“Narito po ako, mahal na Banwa.”

“Natagpuan mo na ba si Tandang Naida?”

“Paumanhin po, mahal na Banwa. Sadyang mahusay magtago si Tandang Naida. Hindi ko po siya matagpuan.”

“Nakakapagtaka. Saan kaya tumungo ang taksil nating hukluban? Ipagpatuloy mo ang paghahanap. Kung kailangan mong gamitin lahat ng kaperosa at kaperoso ng Baybayin ay iyong marapatin, Galang Kaluluwa.”

“Masusunod po, mahal na Banwa. Ako po ay hahayo na upang hanapin muli si Tandang Naida.”

Nakaramdam ng banayad na ihip ng hangin si Duja. Mistulang sumabay sa sipol ng hangin si Galang Kaluluwa na bigla na lamang nawala ang presensya mula sa pandama ng dalagang babaylan. Hindi katulad kanina; naigagalaw na niya ang kanyang katawan ngunit bakas pa din ang panghihina sa lahat ng kanyang kalamnan.

Makalipas ang ilang sandali ay narinig niya muli ang boses ng Banwa na may kausap na babae. Katono ng boses ang huling tinig na kanyang narinig bago siya nawalan ng malay.

“Aking Kamay ng Tanglaw; Caylao Sinagan, ano ang mga kaganapan sa Calamian?”

“Mahal na Banwa, sa kasalukuyan po ay nakikipaglaban na si Blanga Balani at si Kasimira sa dayanghirang.”

“Nangangailangan ba ng tulong si Blanga?”

“Hindi po, mahal na Banwa. Lahat po ay ayon sa iyong mga plano.”

“Mabuti naman kung ganoon. Salamat sa iyong tulong upang madakip ang kapatid ng dayanghirang kanina, Caylao. Makakaalis ka na; iyong subaybayan ang mga magaganap sa Calamian at balitaan mo ako kaagad kapag may naganap na kakaiba sa digmaan.”

“Masusunod po, mahal na Banwa.”

“Dayanghirang? Kapatid?”

Naguluhan si Urduja mula sa kanyang narinig. Dayanghirang? Ano ang kinalaman ng dayanghirang sa kanya? Higit sa lahat, sino ang sinasabi nilang “kapatid ng dayanghirang?” Bago pa man mapuno ng iba’t-ibang teorya ang isip ni Duja ay may pumukaw sa kanyang atensyon, isang tinig ng babae na may problema sa pagsambit ng mga salitang mayroong “S.”

DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon