Sinkuenta y Singko: Nyebes at Amansinaya

1.3K 49 18
                                    

Hiya guys! natagalan ako ng kaunti sa update na ito kasi mahaba siya. :) Pero kagaya ng sabi ko sa inyo, I am on a roll in updating Dayanghirang so I can finish it right on the dot. Pero 'wag kayong mag-alala, hindi ko isasakripisyo ang kalidad ng aking akda dahil lang sa mabilis akong mag-update ngayon. Inspired kasi ako kaya ganito :p

Inaalay ko ang update kong ito kay @wachey. Salamat sa PM mo sa akin ah, it was very encouraging. Thank you so much! :)

Sa inyong lahat, sa wala ninyong sawang pagtangkilik sa Dayanghirang, MARAMING-MARAMING SALAMAT PO! Parating na ang katuparan sa napag-kasunduan!

-Kuya Lawrence =)

----

Unti-unting nabuhayan ng malay si Haliya matapos niyang madama ang malamig na patak ng tubig sa kanyang kanang pisngi. Napatalon ang dalaga noong napagtanto ng kanyang giniginaw na katawan kung saan siya nakahiga: sa isang matigas na tipak ng yelo.

“ANG LAMIGGG!” patiling hiyaw ni Iya na bumangga kay Rosendo na nakatayo sa hindi kalayuan. Muntik nang matumba ang dalaga subalit maagap siyang nasalo ng binatang babaylan.

“Ayos ka lang ba, Haliya?” nag-aalalang tanong ni Rosendo habang malambing niyang niyapos ang malamig na pisngi ng dalaga. “You’re freezing.” dagdag pa ng binatang babaylan.

Biglang lumiwanag ang putting sutla na nakakumot sa dalaga; sinundan ito ng mabilis na paglabas ng isang kamay na marahas na tinulak si Rosendo. Maagap na umahon ang isang katawan mula dito; at wala itong iba kundi si Sidapa.

“Nilayo ko ang kanyang katawan mula sa malupit na kalamigan ng mausoleo ni Amansinaya. Hindi ako makalabas kanina upang tanggalin siya mula sa kanyang pagkakahiga sa yelo dahil walang-malay si Haliya. Mabibitiwan mo na siya, Rosendo.” Na sinundan ng galit na pagbugaw ng lakan ng kawalan at kawakasan sa kamay ni Rosendo. “Tungkulin ko ang ipagtanggol siya, at hindi ako papayag na may ibang taong gagawa niyon sa kanya.” pagtatapos ng binatang lakan. Tinitigan niya si Haliya na puno ng nag-aalab na determinasyon bago siya nagpatuloy. “Hindi ko maaatim na may ibang lalaki na magtatanggol sa kanya; ako lang ang may karapatang gumawa niyon para sa kanya.”

Nagliyab ang pisngi ni Haliya at nangamatis ito ng wala sa oras. Hindi inasahan ng dalaga ang mapangahas at nakakabiglang mga kataga ni Sidapa. Malamig ang kapaligiran ngunit nag-init naman ang kanyang katawan, hanggang sa pinakamunting kaibuturan ng kanyang kalamnan.

“ROSY! HINDI MO BA AKO KUKUMUSTAHIN?” paawang banat naman ni Venus na sinundan ng malandi niyang paglingkis sa bisig ni Rosendo.

I truthfully believe that you’re definitely alright, Vivi. Malakas ka pa kaya sa kalabaw.” masungit namang tugon ni Rosendo na nandidiring binunot ang kanyang bisig mula sa mga nagnanasang mga kamay ni Venus. “Magsama kayo ni Jamil for all I care.” pagtatapos ng binata na mabilis na tumalikod at naglakad papalayo mula sa dalagang pintados.

Nabahiran ng maitim na ngiti ang pagmumukha ni Venus. Bilang isang nilalang na likas na haliparot, nadama niya ang ibig-sabihin ng bawat kibot at salita ng binatang babaylan: nagseselos ito. Tila nasinagan ng banal na liwanag mula sa kaitaasan ang dalagang pintados; nakaisip siya ng magandang ideya upang lalong gatungan ang nararamdaman ni Rosendo. “Nasaan kaya sina Jamil at Bidasari? Sayang naman, SIYA pa naman ang gusto kong makita. Madami pa naman akong gustong itanong sa kanya.”

“Eh ‘di hanapin mo!” malakas na sigaw ni Rosendo kay Venus upang tugunan ang deklarasyon ni Venus. Nakalayo na ang binata kaya sumigaw siya subalit hindi naman talaga ang distansya ang dahilan kung bakit lubha mataas ang kanyang boses. “Magsama kayong dalawa!” dagdag pa ng binatang babaylan na lubha nang nakalayo sa dalagang pintados upang suyurin ang mausoleo ni Amansinaya at upang makalayo na din siya kay Venus. Naiinis na siya dahil wala nang ibang bukang-bibig ang pintados kundi ang pangalan ni Jamil, ang totoong katauhan ng Bidasari na matagal nilang nakasama sa Minolo, Calamian at Tawalisi. Hindi naman niya mawari ang dahilan kung bakit mas matindi ang pagkapika niya kay Venus.

DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon