Sinkuenta y Siyete: Galang Kaluluwa

1.2K 49 24
                                    

Hiya guys! Sorry sa late na update ulit! Natali lang ako sa aking trabaho. I will be back on my feet starting tomorrow, updating every 1-2 days so I can finish Dayanghirang on schedule this September. Maraming salamat sa lahat ng inyong pagtangkilik sa aking akda at sa hindi pagbitiw sa bawat kabanata at sandali ng aking akda.

Ang galing, 63k reads na pala tayo. Naka-hibernate na ako ng 1 week pero hindi pa din kayo nawala lahat. Salamat po! Inaalay ko ang update na ito kay @snobbishbitch, salamat sa nakakatuwa mong comment! Sana magustuhan mo ang update ko!

-Kuya Lawrence :P

----

Tila wala nang katapusan ang mabagsik na bayo ng malamig na hangin kina Jamil at Sarry mula sa isang malaking tipak ng yelo na mistulang isang anito. Unti-unti nang nanghihina ang prinsipe ng Minolo sapagkat lubha nang matagal ang kanyang paggamit ng kanyang kapangyarihan upang gumawa ng harang laban sa atake mula sa anito.

“Lumisan na kayo, mga tampalasan! Paano ninyo naatim ang pagyurak sa alaala ng aking mabuting kaibigan!” galit na sigaw ng boses ng isang babae na tila nagmula sa anitong nagbubuga ng malamig at malakas na hangin.

Nagtaka si Jamil sa kanyang narinig mula sa boses ng babae. “Amansinaya, lakambini ng yelo, wala kaming ginagawang masama! Hindi namin dinudungisan ang kapitagan ng iyong mausoleo!” paliwanag ng prinsipe ng Minolo.

“SINONG NILINLANG NINYO! Hindi matatanggap ng aking damdamin kung ako ay mabibigong ipagtanggol ang huling alaala ng aking kaibigang matalik! Lumisan na kayo kung nais pa ninyong mabuhay!” nanggagalaiting tugon ng boses ni Amansinaya.

She’s not listening to reason, brother dear. Ano na plano mo?” tanong naman ni Sarry na napansin na na bahagya nang humina ang kanyang kapatid.

“Hindi ko pa alam, my sister dear. Pero, hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang galit niya sa atin! Wala naman tayong gingawang masama laban sa kanya.” depensa pa ni Jamil.

“HINDI AKO BULAG SA KATOTOHANAN! BAKIT NAIS NINYONG MAKUHA ANG ‘SUSI?!’ Hindi pa kayo nakuntento at inalipin pa ninyo ang kaluluwa ng tapat kong babaylan na naglingkod ng lubos sa akin upang ilayo ang ‘susi’ mula sa mga nilalang na maitim ang budhi, katulad ninyo!” sagot naman ni Amansinaya sa mga sinambit ni Jamil kay Sarry.

“Inalipin? Tapat na babaylan? Anong ibig niyang sabihin?” naguguluhan namang tanong ni Jamil sa kanyang sarili habang iniisip niya ang dahilan kung bakit iyon nasabi ng lakambini ng yelo.

----

            Damang-dama ni Sidapa ang bigat ng damdamin ni Haliya. Tuliro at balisa ang dalaga. Hindi nito alam kung paano tutugon sa sitwasyong kanyang kinahaharap. Hindi madali ang kinalalagyan ni Iya. Malakas ang kanilang kalaban, subalit ang nagpapahirap ng lubos sa kanila ay ang katotohan na ang sariling ina ng dayanghirang ang kanilang nakakalaban.

            “She’s too strong to be alive! Imposibleng magtaglay ng ganyang klaseng lakas ang kahit sinong babaylan! Kahit ang rani ng Minolo ay nagpapahinga saglit upang makahugot ng malakas na buwelo bago umatake. Kahit si Iya ay nagpapahinga din kahit sandali sa bawat atakeng pinakakawalan niya! umpisa ni Rosendo. Nagpatuloy pa ang babaylan, at nilahad niya ang kanyang naisip na dahilan. “Isa na lamang siyang kaluluwa; isang espiritu na hindi nakakahon sa mortal na katawan kaya’t nagagamit niyang lubos ang kanyang kapangyarihan.”

            “Sa tingin ko tama ka, Rosy. Wala nang ibang paliwanag para dito. Pero bakit, bakit tayo nilalabanan ng ina ni Iya?” dagdag naman ni Venus sa tinuran ni Rosendo.

DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon