Trenta y Dos: Damdaming Tinanikala

2.4K 59 45
                                    

Yes! Nakapag-update na din ako sa wakas! Sorry sa kaunting delay (bows down)! Wow, 8k reads na ang Dayanghirang! Salamat po sa walang sawang suporta sa akin. :-) Hindi ako nag-expect na ganito ang magiging suporta na matatanggap ko sa inyo kaya salamat. :-) Siguro ang hiling ko lang sa mga mambabasa ko would be comments (kahit walang votes okay lang, seriously :p). Nangangailangan po ako ng mga constructive comments para mas mapaghusayan ko pa po ang pagsusulat ng Dayanghirang. Be it typos, grammar errors, questions or clarifications, I will entertain them (except spoiler-related infos :p)

I offer this chapter to XerunSalmirro! Ang galing ng effort ninyo to catch up with 31-chapters in one day! I hope I didn't gave you a headache :)

Tama na nga satsat ni Kuya Lawrence sa Author's Note. Ito na po, hope you'll enjoy. :-)

----

            “Patawad, Gat Sidapa. Ito lamang ang tanging paraan upang mabukas ang lagusan sa mausoleo nina Dian Masalanta at Loos Klagan,” pakiusap ni Guadalupe sa lakan ng kawalan at karahasan.

            “Sidapa,” na sinundan ng marahang paghawak ni Haliya sa malamig na kamay ng lakan. “Bawiin mo na ang sumpa mo kay Rosendo.”

            Mapait at labag sa kalooban namang sumunod sa pakiusap ni Haliya ang napilitang Sidapa.

 

            Ang mausoleo nina Dian Masalanta at Loos Klagan ay isang yungib na napapalibutan ng mga kumikislap na kristal at puspos ng gintong buhangin saan man mabaling ang mata ng grupo. Ang kinang ng ginto ang nagsilbing pailaw na pinaganda naman sa repleksyon ng mga kristal kaya pakiramdam ng mga manlalakbay ay naglalakad sila sa maniningning na kalawakang nag-uumapaw sa brilyante ng mga tala.

Magmula nang pumasok sa loob ng mausoleo sina Haliya, hindi pinapansin ni Sidapa ang dalaga. Nadama naman ni Rosendo ang nakakailang na pakiramdam sa kapaligiran kaya’t pinili na lamang ng binatang babaylan na manahimik upang hindi na makagawa ng kahit anong gulo.

            Nagtataka si Sidapa. Una, lubhang mapayapa ang kanilang paglalakbay sa loob ng mausoleo. Hindi ito katulad ng marahas na bati sa kanila ni Kidu. Pangalawa, naaasiwa ang lakan sapagkat hanggang sa mga oras na iyon, wala pa din siyang tiwala kay Rosendo. Malayang magagawa ng binatang babaylan ang kanyang nais gawin kay Haliya, mabuti man o masama.

            “Dito ang daan, dayanghirang…”

            Nakadinig ng tinig mula sa isang babae si Haliya noong nakarating ang grupo sa isang lugar na may tatlong lagusan. Tinuturo sa kanya ng boses na sa gitnang lagusan magtungo. Tapos sa kaliwa. Sa kaliwa muli. Sa gitnang lagusan. Sa kanan. Sa pagmamadali ni Haliya ay nadapa siya. Maagap namang nasalo ng malapit lamang na Rosendo ang dayanghirang.

“Ayos ka lang, Haliya?” pag-aalalang tanong ni Rosendo kay Haliya na mahigpit ang pagkakahawak sa braso ng dalaga. “Huwag kang magmadali,” dagdag pa ng binata. “Hahawakan ko ang iyong kamay upang hindi ka matalisod muli.”

Nagpantig ang tenga ni Sidapa. Hindi napigilan ng lakan ang kanyang sarili. “HINDI NA KAILANGAN, ROSENDO,” na sinundan ng mabilis at galit na pag-agaw ng lakan sa braso ni Haliya mula kay Rosendo. Hatak-hatak ng niya ang dalaga na walang nagawa sa lakas ng pagkakahila ng binata. “Dito ka lang,” habang alalay ni Sidapa si Haliya hawak-hawak ng mahigpit ang kamay ng dalaga.

“Nakakapagtaka talaga ang kinikilos ni Sidapa,” wika ni Guadalupe sa kanyang sarili habang nag-oobserba sa kinikilos ng lakan. “Rosendo,” na may kasamang malanding tono sa kanyang boses, “Ako na lang ang alalayan mo,” na may dagdag pang kindat at ngiti.

DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon