Ikalabing-isang Kabanata: Ang Lupa ng Hilaga

2.8K 65 20
                                    

 This one's for you nicnicnicnic! One week akong natali sa trabaho ko kaya super-late na akong nag-update :-)

----------

            Sumugod ang nabubulok na amalanhig kay Rosendo. Sakto namang tumalon pataas ang binata at inipit sa pagitan ng kanyang kaliwang hita at binti ang ulo ng halimaw na bangkay. Sinipa naman ito ng kayang kanang paa upang mapugot ang ulo nito.

            “Hello, Rosy!” bati ni Venus kay Rosendo na sinisipa pa papalayo sa kanya ang katawan ng amalanhig na umatake sa kanya.

            “I could have died you know. Kung hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko--”

            “Tama na satsat, tara na!” awat ni Venus kay Rosendo matapos niyang tanggalin ang mga kadena sa kamay ng binata sabay hatak dito papasakay sa likod ng lampong nilang si Milky Way. “Aalis na tayo, you can complain to me along the way,” dagdag pa ng dalaga.

            Aligaga si Iya. Katabi lang naman niya ang lalaking muntik nang pumatay sa kanya. Hindi din nagustuhan ni Rosendo na katabi niya ang babaeng dapat papatayin niya. Habang tumatakbo ng mabilis si Milky Way, bigla itong tumalon upang makaiwas sa isang malaking bato. Tumalbog naman ang dalawa sa likod nito at hindi sinasadyang napayakap ang dalagang dayanghirang sa matipunong katawan ng binatang babaylan.

            “Oy! ‘Wag kayong mag-lovey dovey sa likod ko!” nagseselos namang wika ni Venus sa kaibigan. “Abusado ka na BFF ah! May Sid ka na, may Rosy ka pa!” wika ng pintados sa kanyang sarili sabay tapik sa ulo ni Milky Way. “Go, Milky Way,” wika niya na sinundan naman ng mas lalong bumilis na takbo ng lampong. “Papalabas na tayo ng bayan namin. Brace yourself!

----

            Habang ginagala ng babaeng babaylan ang kanyang mga mata ay hindi niya makita ang dayanghirang. “Mukhang natakasan ako ah,” wika niya sabay padyak sa lupa na sinundan ng sunod-sunod na pagkakagiba ng mga bahay sa bayan ng mga pintados. Umasa siyang nakatago sa mga ito ang dayanghirang subalit walang mga laman ang gusali. Wala nang tao, maliban sa isang matandang nakaputi na mukhang nag-aabang sa kanya.

            “Magandang gabi po, Apo Isay,” bati ng babaeng babaylan sabay senyas sa hangin na sinundan ng paghinto ng mga amalanhig. “Wala po akong hangaring idamay kayo sa aking misyon. Ang pakay ko po ay ang dayanghirang. Ilabas ninyo lang po siya at ako ay aalis ng maayos.”

            “Maniniwala sana ako sa iyo, subalit pinaslang ng mga amalanhig mo ang dalawa sa aking mga katribo. Hindi ko na pahihintulutan pa ang iyong pagtampalasan,” sagot ni Apo Isay. “Ano ang ginagawa mo dito, Lupa ng Hilaga?” tanong ng matandang binukot.

            Ngumiti ang babaeng babaylan. “Aba, ikinagagalak ko po na ako pala ay inyong kilala. Marahil, mas mapapadali po ang ating pag-uusap. Alam po ninyo kung ano ang kayang kong gawin. Maari kong gawing alikabok lahat ng gusali sa inyong liblib na bayan. Wala akong ititira. Ito’y kaparusahan sa inyong lipi dahil sa pagkikipagtulungan inyo sa isang tulisan na hinahanap ng Baybayin,” sagot ng babaeng babaylan.

            “Sa Apat na Heneral ng Kayumanggi, dalawa na sa inyo ang nakita ko ngayong gabi: ang Hangin ng Kanluran; si Anastacio, at ikaw, ang Lupa ng Hilaga, Melinda E. Grava,” tugon ni Apo Isay. “Hindi na ako magugulat pa kung makikita ko ang Alab ng Silangan at ang Moog ng Timog. Ngayon, lalo akong naniniwala kung gaano kayo ka-seryoso sa pagkuha sa dayanghirang. Pero--” sambit ni Apo Isay na biglang nawala sa paningin ni Melinda.

            “Haha, nagbibiro ka ba! Baka nakakalimutan mo kung sino ang binabangga mo binukot. Hayaan mo, ipapaalala ko sa iyo ulit kung sino ako!” sigaw ni Melinda kasabay ng kanyang pagdakot ng lupa at saboy sa hangin. “UMULAN NG KABATUHAN, WASAKIN ANG KALUPAAN!” samo ng babaylan sa mga buhangin na nagmistulang mga bala ng baril na pinapaulanan ng putok ang bayan ng mga pintados. Wala itong hindi winasak; gusali, puno, balon, at mga pananim sa sakahan.

DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon