Ikalabing-walong Kabanata: Alaala

2.6K 63 38
                                    

Inaalay ko po ang bago kong kabanata sa isang bagong mambabasa, si @HUNAKER. Enjoy po at salamat sa lahat ng suporta ninyong lahat sa aming mga Phil. His-Fic writers :p

 ----

            “Sagutin mo ako, Dr. Vhajhardii,” utos ng isang may katandaan na babae sa isang doktor na kalmadong nakikinig.

“Selina, kagaya ng sinabi ko sa iyo noon, hindi ako siguro sa magiging resulta ng pananaliksik ko dahil hindi ko naman ito natapos. Binitiwan ko na ang kaso ni Duja matapos ang aking pag-alis sa Baybayin bilang Head of Research Phenomena, hindi ba?” matigas at pag-uulit muli na sagot ni Dr. Vhajhardii sa kausap na babae.

Ang doktor ay matiyagang nagpapaliwanag sa babae habang pinupusan ang kanyang salamin gamit ang kanyang puting kasuotan. Sinalo naman ng kanyang matangos na ilong ang half-framed na salamin niya na hugis parihaba. Bata pa ang doktor subalit kakapaliwanag kay Selina ay tila nadagdagan ang kanyang edad.

Nanlisik ang mga mata ni Selina. Hindi nito naibigan ang paliwanag ng doktor. Kumakalansing ang kanyang mga pulseras habang nagwawala ang kanyang mga kamay sa hangin. Napatayo siya mula sa kanyang kinauupuan. Mas matangkad ang babae sa doktor. Ang kanyang maikli at matigas na buhok na hanggang ilalim ng kanyang tenga ay may adornong diyamanteng ipit habang nakasuot ng perlas na hikaw. Kasingputi ng niyebe ang kanyang kutis at singlamig ng yelo ang kanyang dugo at personalidad.

“Sinuko ko na ang dati kong buhay. Nais kong mabuhay ng tahimik, Selina,” na sinundan ng isang malalim na buntong-hininga. “Ito lang ang masasabi ko; hindi mapipigilan ang Pangangalap,” dagdag pa ng doktor.

“Ano!” sigaw ni Selina sa doktor na inawat niya mula sa paghigop ng kanyang kape. Tinitigan ng babae ang tasa at nanigas ang laman nito na parang yelo.

Tinaktak ni Dr. Vhajhardii ang kape naging ala-yelo mula sa kanyang tasa. “Sayang naman ang kape barako ko,” dagdag pa ng doktor.

“Niloko mo ako. NILOKO MO ANG PAMILYA KO!” sigaw ni Selina na sinundan ng pagsambit niya ng isang orasyon:

“Lakambini ng nagpupuyos na pighati…. Basagin ang tanikalang pagsisisi… Kumawala sa kulungan ng kalungkutan…. Ibalot sa niyebe ang kalaban! Halina, Amansinaya!”

Bumusulok ang pag-ulan ng yelo sa loob ng silid. Mistulang nasa refrigerator ang doktor dahil sa mabilis na pagbagsak ng temperatura. Nanigas ang mga papeles, gamot, at mga kagamitan sa loob ngunit nabahala si Selina dahil buhay pa din ang mga halaman. Naalala niya bigla ang kapangyarihan ng doktor noong nakadinig siya ng isang orasyon:

“Lakambini ng masaganang ani ng katatagan…. Linangin mo ang aking kalooban…. Biyayaan ako ng kasaganahan..... Mamunga ng galak sa kapangyarihan! Halina, Sfedat!

Biglang may tumubong malaking puno sa loob ni Dr. Vhajhardii. Ito ay kumikislap-kislap habang natatamaan ng sinag ng buwan. Nagmistula itong ilaw sa madilim na silid. Makalipas ang ilang sandali ay nagbago ang anyo nito; ito ay naging kulay pula at tila nasusunog. Uminit ang kapaligiran. Natunaw ang yelo. Nagalit si Selina. Nag-amok ang babae at nagpaulan pa ng madaming niyebe subalit nalulusaw lamang itong lahat.

“Piedras Platas,” galit na komento ni Selina.

“Aba, alam mo pala ito,” natutuwang asar naman ni Dr. Vhajhardii.

“Ang Piedras Platas ay may pitong anyo at lahat ito ay may iba’t ibang katangian. Ang kulay karbungko (red garnet or carbuncle; research on gemstones for details :D) na Piedras Platas ay may kapangyarihang gawing mainit ang temperatura ng paligid nito. Ngayon ko lang nalaman na sobrang tindi pala ng kapangyarihan mo. Akala ko kaya mo lang magpalaki at magpagalaw ng mga puno. May kapangyarihan ka din palang magtawag ng mga makapangyarihang puno,” paliwanag ni Selina na dali-daling naglalakad palabas ng silid.

DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon